Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Vice Ganda, Napagtapos Ng Pag-Aaral Ang Kanyang Dalawang Kasambahay


Si Vice Ganda ay isa sa mga personalidad na kilala dahil sa kabutihang puso na taglay nito na walang pag-aalinlangan na tumutulong sa kapwa, lalo na sa mga mahihirap at nangangailangan.

Sa kabila ng kasikatan at karangyaan na natatamo ngayon ni Vice Ganda, nananatili pa din siyang mapagkumbaba at kailanman ay hindi kinalimutan na tumulong sa kapwa at ibahagi ang mga biyaya na kaniyang natatanggap.

Isa sa mga lubos na pinasasalamatan ng 'Unkabogable Star' ay ang kanilang mga katulong sa bahay o tinatawag niya naman bilang 'Vice's Angels'. Kasama na nga dito ang kaniyang katulong na sina Lalaine Freo at Jacquelyn Geurrero na mahigit anim na taon ng nagtatrabaho kay Vice Ganda.


Sa isang video clip na in-upload ni Vice Ganda sa kaniyang YouTube channel, sinabi nila Lalaine at Jacquelyn kung gaano kabuti at kabait na employer si Vice Ganda.

Inamin din ni Jacquelyn sa nasabing video na sinabi nila kay Vice na isang taon na lamang sila makakapagsilbi para sa It's Showtime host at titigil na muna sa trabaho dahil nais nilang makapag-aral.



Matapos nilang sabihin kay Vice ang plano nilang ito, kaagad naman silang inalok ng Kapamilya comedian na ito na mismo ang magpapa-aral sa kanila.

Noon pa man, ang 'Vice Angels' na ang madalas na kasama ni Vice sa halos lahat ng kaniyang mga lakad, kahit pa man sa kaniyang trabaho. Madalas pa nga ay nababanggit o nasasama ni Vice ang mga ito sa kaniyang IG stories.

Noong Mayo 18, 2018 lamang, ay nakamit na nina Jacquelyn at Lalaine ang pangarap na makapagtapos ng kanilang pag-aaral kung saan sila ay naghanda pa para sa kanilang Graduation Ball.

Si Vice Ganda naman ang siyang sumagot para sa make-over ng dalawa bilang paghahanda sa kanilang Graduation Ball. Lubos naman ang pasasalamat at paghanga nina Jacquelyn at Lalaine para kay Vice Ganda dahil sa lahat ng kabutihan na ipinapakita nito sa kanila.



Ani Laline, “Hindi namin makakalimutan ang Grad Ball na ‘to.”

Saad naman ni Jacquelyn, "Ito oh, patapos na kami. Thank you sa lahat!”


Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento