Marami na nga sa mga matatagumpay na aktor sa showbiz ang hindi lang basta-basta nagpopokus sa kanilang showbiz career, ngunit inumpisahan na rin ang pumasok sa iba’t ibang mga negosyo upang kahit mawala na ang kanilang kasikatan ay mayroon naman silang naipundar na maari nilang maging hanapbuhay.
Kabilang na nga sa mga aktor na ito, ay ang isa sa mga gwapo at popular na aktor na showbiz na si Enchong Dee.
Hindi na nga lamang ang pagiging isang aktor ang pinagkakaabalahan ngayon ni Enchong, dahil maliban dito ay pinagkaka-abalahan din niya ang pamamalakad sa kanyang mga naipundar na negosyo.
Ang mga negosyo ngang naipundar ng aktor ay batid naman natin na nagmula sa kanyang naging pagsusumikap bilang isang artista.
Samantala, isa nga sa mga negosyo ngayon ng aktor na kanyang pinagkaka-abalahan at ipinagmamalaki ay ang pagmamay-ari niyang Palaya Natural Farm na matatagpuan sa Tanay, Rizal.
Ang ikinaganda nga umano ng negosyo na ito, kung saan ay co-owner ang aktor ay marami ang dumarayo rito dahil sa hindi naman ito kalayuan sa Metro Manila.
Para sa aktor ay espesyal ang lugar na ito, kaya noong nakaraang buwan ng Nobyembre taong 2020 ay sa naturang lugar niya ipinagdiwang ang kanyang kaarawan kasama ang pamilya niya.
Hindi nga lamang ito ang negosyong pagmamay-ari ni Enchong, dahil maliban dito ay may negosyo rin siyang restaurants at isang paupahan na may 20-units na ang namamahala ay ang kanyang ina.
Maliban pa sa mga nabanggit na negosyo ni Enchong, ay kamakailan nga lamang ay muli siyang nag-update sa kanyang YouTube channel sa pamamagitan ng vlog na mayroon siyang bagong negosyo na pinasok. At ito nga ay ang Palayan Shrimp Farm na matatagpuan sa Zambales.
Ayon nga sa aktor, ngayong panahon ng pandemya ay ang pagkain ang talaga namang prayoridad ng mga tao, kaya naman naisipan niyang mag-invest sa food production. Sa vlog nga na ito ng aktor,
ay una niyang ibinahagi ang kanilang magiging pananghalian, kung saan ito nga ay mga lutong hipon. Matapos nito, ay sinimulan na niyang i-tour ang kanyang mga tagasubaybay sa kanyang napakalawak na shrimp farm, kung saan ito nga umano ay may 7-villas.
Kasabay ng kanyang naging paglilibot sa shrimp farm niya ay ipinakita at ipinaliwanag din ni Enchong ang kung paano nila pinapangalagaan na maging dekalidad at malinis ang produkto ng hipon na kanilang ibenebenta.
Dagdag pa ng aktor, maliban sa hipon, ay sinimulan na rin umano nila ang pagtatanim ng mga fruit bearing trees sa kanyang farm upang ang iba pa ngang lupa ay kanila pang mapakinabangan.
View this post on Instagram
Ibinahagi naman ni Enchong na naging matagumpay ang pagsasakatuparan nila na masimulan ang shrimp farm sa tulong ng kanyang katuwang sa negosyo na si Iggy, kaya naman malaki umano ang pasasalamat rito ng aktor.
Video Credit: Enchong Dee/YouTube
Masasabi nga naman natin na sa dami ng pagmamay-ari at naipundar na negosyo ni Echong Dee, ay makakaya na nitong mamuhay ng kumportable kahit na dumating man ang araw na magretiro na siya sa showbiz.
Isang matalino ngang pamamaraan ang ginawa ni Enchong sa mga kinita niya sa pag-aartista, dahil perang pinaghirapan niya ay mas pinapalago pa niya.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento