Si Brian McKnight ay isa sa mga pinaka-popular at sikat na singer sa buong mundo. Maliban pa sa isang mahusay na mang-aawit ay kilala rin siya bilang R&B singer, songwriter, arranger, producer at musician. Maliban pa nga sa pagiging tanyag na musikero niya,
ay isa rin siyang multi-instrumentalist kung saan walong iba’t ibang instrument ang nalalaman niyang tugutugin kabilang na nga ang piano, guitar, bass guitar, percussion, trombone, tuba, flugelhorn, and trumpet.
Ilan sa mga sikat na awitin ni Brian Macknight na talaga namang ay ang “Back at One”, “6,8,12” at “One Last Cry.”
Isang Pinay naman ang napangasawa ni Brian Macknight. Siya ay ikinasal noong ika-1 ng Enero taong 2018 sa asawa niyang doktor na si Dr. Leilanie Malia Mendoza sa Oheka Castle Hotel & Estatein Huntingto, New York City.
Ang kanyang asawang si Dr. Leilanie ay nagmula sa Plaridel, Bulacan, at ipinagmamalaki ng ani Brian ang napakagandang lugar ng kanyang asawa at kung gaano siya kasaya na isang Pinay ang naging kabiyak ng kanyang puso.
Kamakailan nga lamang ng mga nakaraang taon ay nagbalik Pilipinas si Brian, kung saan ay nagkaroon nga siya ng konsyerto sa Manila at Cebu.
Sa artikulo na inilabas ng ABS-CBN patungkol sa konsyertong ito ng Hollywood singer ay nakatala na ang nasabing konsyerto ay naganap sa Solaire Theater at Wavefront Cebu. Ang konsyerto rin na ito ay siya rin umanong selebrasyon nila ng kanyang Filipina-American na asawa ng kanilang wedding anniversary.
Samantala, madalas namang sinasabi ni Brian kung gaano niya kamahal ang Pilipinas at kung gaano siya kasaya na isang Pinay ang kanyang napangasawa. Pinasalamatan din naman ni Brian ang lahat ng mga Pinoy na patuloy na sumusuporta at tumatangkilik ng kanyang mga awitin.
“Well, I guess now it’s starts with my wife and her family. Being married to a Filipina is a fantastic thing. My love for Filipino food has gone through the roof”, ani Brian ng siya ay makapanayam noon.
Ayon naman kay Brian ang mga magagandang awitin na kanyang nalilikha ay hango sa mga hopeless romatic kaya naman talagang sinuman ay maantig ang puso sa kanyang awitin. Kumukuha rin umano siya ng inspirasyon na makabuo ng isang magandang awitin sa mga lugar na kanyang napupuntahan.
Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na ilan sa mga magagandang awitin ni Brian Macknight ay ginagamit sa mga okasyon, lalo na nga sa mga kasal.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento