Para sa isang magulang ay isa nga naman talagang karangalan at kasiyahan ang mapagtapos ang kanilang mga anak sa pag-aaral. Dahil karamihan nga sa mga magulang ay sinasabi na tanging ang edukasyon lamang ang tanging maipapamana nila sa kanilang mga anak na hindi mananakaw ng kahit na sibo man.
Marami ngang mga magulang na talaga namang iginagapang ang pag-aaral ng kanilang mga anak, para nga naman maibigay lamang sa mga ito ang magandang edukasyon na magiging daan upang magkaroon ang mga ito ng magandang kinabukasan. Kaya naman sa kabila ng hirap at maraming sakripisyo ay walang pagod na tinataguyod ng mga magulang ang mga pangangaialangan ng kanilang mga anak sa pag-aaral.
Samantala, sa mga mag-aaral ngang nagtatapos ngayon ay nauuso na kapag sila ay nagpapakuha ng larawan para sa kanilang graduation photo ay nag paghawak ng isang karatula kung saan ay may mga nakasulat na mga salita.
Isa nga sa mga naging agaw-pansin na gradution photo ngayon sa social media ay ang 18-taong gulang na estudyanteng nagtapos sa High School dahil sa ang mga salitang nakasulat sa hawak-hawak niyang white board ay talaga namang kinalugdan ng maraming mga netizens.
Masayang ibinahagi ng kinilalang estudyante ng Siniloan National High School na si Jerdy Grace Araneta ang kanyang graduation photo kung saan ay kasama niya ang kanyang amang si Mang Rodolfo Araneta. Sa nasabi ngang larawan na ito ng dalaga, ay makikita ang white board na kanyang hawak na may nakasulat na katagang “Dahil sa Balut, Diploma ay Naabot.”
Ginawa niya ito upang ipakita sa lahat na ang pangarap niyang diploma sa high school ay kanyang nakamtan dahil sa pagsasakripisyo at pagsusumikap ng kanyang ama na mapag-aral siya sa pamamagitan ng paglalako ng balut.
Sa naging panayam nga ng ‘inquirer’ sa ina ni Jerdy na si Aling Judy Araneta, ay ibinahagi nito na ang kanyang mister na si Mang Rodolfo ang breadwinner ng kanilang pamilya. Napakasipag naman umano kasi nito, at sa kabila ng kahirapan ng buhay ay buong sipag at tiyaga itong nagtitinda ng balut para lamang maitaguyod ang kanilang pamilya.
Dagdag na pahayag pa nga ng Ginang, para kumita ng ekstra para matustusan ang iba pang pangangailangan nila, ay naglalako tuwing umaga ng pandesal ang kanyang mister at minsan pa nga ay naisisingit din nito ang maging garbage collector. Matapos nga ng mga ito, magsisimula na itong magsimulang maglako ng panindang balut ng mga alas tres ng hapon hanggang sa alas diyes nga ng gabi.
Maliban pa nga sa kanyang pamilya ay napag-alaman din ng ‘inquirer’ na kaya nagdodoble kayod si Mang Rodolfo ay dahil sa sinusuportahan rin nito ang kanyang biyanan, pamangkin ng kanyang asawa at mismong kapatid nito.
Kahit naman apektado ng krisis ang hanapbuhay ni Mang Rodolfo ay patuloy pa rin itong kumakayod, lalo na’t ang pagtitinda ng balut ang pangunahing pinagkukunan niya ng pangtustos sa kanyang pamilya.
Ang kinalulugdan ngang graduation photo na ito ni Jerdy kasama ang kanyang ama ay makikita sa Facebook page ng “The Flash of Siniloan” na ngayon nga ay umani na ng napakaraming iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.
“Congrats to the father-daughter tandem! May God bless you even more to realize your goals to your family. Nakaka-proud naman ito!” “Kitang-kita ko ang kasiyahan ng tatay sa pagtatapos ng kanuyang anak! Proud na proud din ang anak dahil sa iginapang siya ng kaniyang magulang! Saludo po!”
“Tunay na inspirasyon ang kasipagan na taglay ni Mang Rodolfo para matustusan hindi lamang ang kanyang pamilya kundi maging ang iba pang malapit sa kanya.”
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento