Search This Blog

Powered by Blogger.

Isang Babaeng Pulis Ang Umani Ng Papuri Sa Mga Netizens Matapos Mag Pa Breastfeed Sa Isang Sanggol Na Iniwan Magulang

Batid natin na ang isang sanggol ay kinakailangan ang pangangalaga at pag-aaruga ng kanyang mga magulang, lalo na ng kanyang ina. Ngunit minsan nga may mga pagkakataon na lumalaki ito sa pangangalaga ng ibang tao o ng iba niyang kapamilya, lalo na kung kinakailangan ng kanyang ina ang maghanapbuhay para sustentuhan ang pangangailangan ng pamilya.




May mga ina nga na minsan ay nagsasakripisyon na malayo sa kanilang sanggol na anak para lamang makapaghanapbuhay, kung kaya naman hindi nila naibibigay dito ng buo ang pang-aaruga na kinakailangan nito.

Image Credit via Google

Ganito na nga lamang ang naging sitwasyon ng isang batang sanggol na babae, na nasa limang buwang gulang pa lamang na kinailangan na i-breastfeed ng isang babaeng pulis dahil sa pansamantala itong iniwan ng kanyang mga magulang para maghanapbuhay mula sa LIkod Pader, Barangay Old Capitol Site, Quezon City.

Image Credit via Google

Ang babaeng pulis na nag-brestfeed sa naturang sanggol ay kinilalang si PLT JEAN C AGUADA, Chief SCADS mula sa pamunuan ni PLTCOL IMELDA M REYES.

Image Credit via Google

Nag-volunteer siya na i-breastfeed ang naturang sanggol, ng kanya ngang maramdaman na naghahanap na ito ng ina. Bilang isang ina nga ay hindi naiwasan ni PLT JEAN C AGUADA na makaramdam ng awa sa sanggol na iniwan ng mga magulang nito, lalo na ng ina nito para makapaghanapbuhay.

Naging agawa atensyon ang ginawang ito ni PLT Jean, ng ibahagi ang larawan niya habang nagpapa-breasfeed sa naturang sanggol sa Facebook page na QCPD Anonas. Ayon pa sa ulat, maliban sa ginawang pagbi-breastfeed ni PLT Jean sa limang buwang gulang na sanggol,

ay pinaliguan at binigyan tin nila ito ng malinis at maayos na damit, kung saan ay katulon niya ang kanyang mga kasamahan na sina PCpl Abigail Alon, PCpl Mary Florence Flores at PCpl Diana Pearl Taytay.




Marami nga sa mga netizens ang lubos na humanga sa ginawa ni PLT Jean, lalo na’t hindi nga siya nagdalawang isip na bigyan ng breastfeed ang nagugutom ng sanggol, sa kabila ng hindi niya ito anak o kaano-ano man lang.

Umani naman ang post na ito ng samu’t samung papuri mula sa mga netizens sa social media, dahil sa naramdaman nga ng marami kung paano magmahal bilang isang ina ang nasabing pulis. Marami rin ang naawa sa kalagayan ng sanggol.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments:

Post a Comment