Sa buhay ng tao, isa sa pinakamasayang bahagi ay ang pagiging isang bata, ito ay dahil nga batid natin na sa murang edad ng mga bata ay wala pa silang kinakaharap na problema at responsibilidad. Ang tangi nga lamang ginagawa ng mga bata ay ang mag-aral at maglaro, o di kaya naman ay ang makipag-bonding sa kanilang pamilya.
Ngunit hind inga naman lahat ng bata ay ganito ka-swerte ang buhay, dahil dala ng kahirapan at mga pagsunnok sa buhay ay mayroong mga kabataan na sa murang edad pa lamang imbis na paglalaro at pag-aaral ang inaatupad ay kinakailangan na nilang pasanin ang responsibilidad na magbanat ng buto para sa kanilang pamilya.
![](https://famoustrends.net/wp-content/uploads/2021/06/1-23.png)
Halimbawa na nga lamang nito ay ang buhay ng batang taga North Caloocan na kinilalang si Manny, na sa kanyang murang edad ay paghahanapbuhay na ang kanyang inaatupag.
Sa murang edad nga ni Manny ay naghahanapbuhay na siya, sa buong maghapon ay nagdo-doble kayod siya.
![](https://famoustrends.net/wp-content/uploads/2021/06/2-23.png)
Matiyaga siyang nagtitinda ng mga gamit sa bahay sa kanilang barangay tuwing umaga, at matapos nito ay magpapahinga saglit dahil pagdating nga sa hapon hanggang sa gabi ay mag-iikot naman siya upang magtinda ng balot.
Marahil marami sa atin ang nagtataka kung bakit imbis na nag-aaral at naglalaro ang batang si Manny ay naghahanapbuhay ito, at ang dahilan nga nito ay dahil sa kinakailangan niyang kalimutan muna ang kanyang pag-aaral at pagiging isang bata para matustusan niya ang kanyang pamilya at ang mga gamot ng kanyang mga magulang.
Ayon sa naging ulat, parehong mayroong sakit ang mga magulang ni Manny, ang kanyang ama at baldado at ang ina naman niya ay may sakit na tuberculosis. Kung kaya naman sa murang edad nga ni Manny ay kinakailangan na niyo ang maghanpbuhay dahil siya lamang ang inaasahan ng mga magulang niya para mabuhay silang pamilya.
Pagbabahagi ni Manny, tanging ang pagbebenta ng mga gamit sa bahay kagaya ng walis, sponge at paglalako ng balot ang naiisip niyang paraan upang mabuhay silang pamilya, at masaya siya na sa kanyang ginagawa ay nakikiya niyang masaya ang kanyang mga magulang.
“Makita ko lang na masaya ang mga magulang ko, masaya na ako”, ang naging saad ni Manny. Nakakamangha nga naman ang ipinamamalas na pagmamahal ni Manny sa kanyang mga magulang sa kabila nga ng mahirap na sitwasyon nilang pamilya.
Pinatunayan din ng batang si Manny na bawat anak, ay hindi dapat mawalan ng dahilan para tulungan at mahalin ang kanilang mga magulang.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento