Tunay ngang walang makakatumbas sa pagmamahal at sakripisyo na kayang ibinigay at gawin ng isang ina para sa kanyang mga anak. Dahil ngayong panahon ng krisis, kung saan ramdam na ramdam ng marami sa ating mga kababayan ang labis na kahirapan,
ay maraming mga ina ang talaga namang ginagawa na ang lahat ng paraan na makakaya nila para lamang matustusan ang pangangailan ng kanilang pamilya at matutulungan ang kanyang asawa.
Sa panahon nga ngayon, kung anong trabaho ang kayang gawin ng isang padre de pamilya ay nakakaya na rin ng isang ilaw ng tahanan, para lamang sa kanyang pamilya. At ang isa sa mga patunay nito ay ang ina na si aling Lelibeth Javillo, na ngayon ay ang pagiging tricycle driver ang ikinabubuhay para itaguyod ang kanyang mga anak.
Ibinahagi ng nagngangalang Bryan Celeste sa kanyang social media account ang kuwento ng maituturing ngang isang dakilang ina na si aling Lelibeth. Ayon sa naging ulat, si aling Lelibeth ay mayroong tatlong anak na sabay sabay na nag-aaral.
Noon daw ay ang pagluluto ng meryenda ang hanapbuhay niya, kung saan ay maaga siyang gumigising araw-araw para magluto ng magiging paninda niya at sumasabay na nga siya sa pagpasok ng kanyang mga anak sa paaralan at doon din siya naglalako ng kanyang tinda.
Hindi nagtagal ay naging mahigpit para sa mga vendor na tulad niya ang paaralan ng kanyang mga anak, kaya naman naisipan na lamang niya na mag-isip ng ibang paraan para maibneta ang kanyang mga tinda.
Dito nga ay naisip niya na kumuha ng hulugang motor, upang magamit niya sa paglalako ng kanyang paninda at magpatuloy ang kanyang hanapbuhay.
Naging miyembro nga si Lelibeth ng kanilang TODA, kung saan siya nga lamang ang nag-iisang babae.
Sa una nga daw ay talagang nakakatakot lalo pa nga’t madalas siyang naiiwan na mag-isa sa paradahan, ngunit sa tulong na rin ng mga kasamahan siya sa TODA ay nakapag-adjust siya sa kanyang pamamasada.
Sa kabila nga ng panlalaking maituturing ang hanapbuhay na ito ni Lelibeth, ay hindi na ito mahalaga sa kanya dahil mas binibigyan niya ng halaga ang masigurado na maitataguyod niya ang kanyang mga anak lalo na nga ang pag-aaral ng mga ito.
Marami naman ang talagang humahanga ngayon kay Lelibeth dahil sa pagiging determinado niyang maitaguyod ang mga anak niya, na sa kabila nga ng marami niyang pinagdaanan sa mga naging hanapbuhay niya noon ay hindi pa rin siya sumuko sa buhay at patuloy pa rin ngang naghanap ng paraan para sa kanyang mga anak.
Maituturing na isang ulirang ina si Lelibeth, dahil kahit anong trabaho ay kaya kaya niyang pasukin basta’t ito ay marangal at makakatulong sa kanya upang masuportahan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento