Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Isang Lolo Ang Matiyagang Pinapayungan Ang Apo Na Masipag Sumasagot Ng Module

Magmula ng magkaroon ng krisis sa ating bansa ay marami tayong naranasang pagbabago sa takbo ng ating buhay, kagaya ng sa edukasyon at pangkabuhayan.




Isa nga sa mga pinakamalaking naapektuhan ng krisis ay ang edukasyon ng maraming mga mag-aaral ngayon, dahil kung noon ay papasok sila sa paaralan para makapag-aral habang tinuturuan ng kanilang mga guro,

Image Credit via Google

ngayon ay nanatili na lamang ang mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan at pilit na iniintindi ang module na binibigay ng kanilang mga guro at ang iba pa nga ay kinakailangan pang gumamit ng makabagong teknolohiya kagaya ng cellphone at internet upang matutunan ang nasa module.

Image Credit via Google

Batid nga natin na hindi madali ang new normal na buhay natin lalo na sa edukasyon ng maraming mga mag-aaral, kung saan iba’t ibang mga sakripisyo ang nakikita natin na ginagawa ng mga magulang para lamang magabayan ang kanilang mga anak sa pag-aaral ng mga ito habang hindi pa makapasok sa eskwela.

Isa nga sa mga halimbawa nito ay ang kamakailan lamang na nag-viral na post ng isang guro patungkol sa isang Lolo at apo nito na isang mag-aaral na ginagawa ang lahat para lamang masagutan ang module nito.

Ilang araw na lamang ang matuling lilipas at magtatapos na naman ang school year sa taong ito na panahon ng krisis at mapapansin nga na tila na wala pa ring nangyayaring pagbabago sa sistema ng edukasyon.

Kaya naman pumukaw nga sa maraming mga netizens ang naging viral post ng guro tungkol sa mag-lolo.Ayon nga sa naging post ng guro na kinilalang si Jorge Tejada isang Senior High School Teacher, ay nakita niya ang mag-lolo na sa isang liblib na lugar sa pagitan ng Brgy.

Genitligan, Baras at Dororian, Gigmoto Catanduanes. Kung saan ay nakita nga niya na matyagang pinapayungan ng Lolo ang kanyang apo habang ito ay buong sipag na sinasagutan ang module nito. Kinilala ang mag-lolo na ito na sina Lolo Arnulfo Teves, edad 71 at ang apo niyang si Daniel, edad 12 na isang mag-aaral sa grade 7.

Sa post nga na ito ni teacher Jorge ay makikita ang mahirap na sitwasyon ng isang mag-aaral, lalo na nga’t sa lugar kung saan naninirahan ang mag-lolo ay hirap sa kuryente at hirap pang makahagap ng signal ng cellphone na kinakailangan nga ng apo nito sa kanyang pag-aaral.

Nang makita nga ni teacher George ang sitwasyon ng mag-lolo ay nagpa-alam siya sa mga ito na kukunan niya ang mga ito ng larawan, at humingi din siya ng pahintulot na kung maari ay ibahagi ito sa social media para maipaalam sa lahat lalo na sa departamento ng edukasyon kung gaano kahirap ang dinaranas ng mga mag-aaral na naninirahan sa liblib na lugar kung saan walng kuryente at walang signal.

Samantala, ng makapanayam naman ang mag-lolo sa programang “Bayan mo, Ipatrol Mo” ay ibinahagi ni Lolo Arnulfo ang mga sakripisyo na ginagawa nila ng kanyang apo para lamang makasagot ito sa module.

Pagbabahagi niya, 30-minutos mula sa kanilang bahay ang matiyaga nilang nilalakad ng kanyang apopara mapuntahan ang lugar na iyon kung saan sila nakita ni teacher Jorge, dahil sa doon lamang mayroong malakas na signal.

“Tinitiis nilang maglakad ng 30 minuto mula sa kanilang bahay papunta rito dahil malakas ang signal dito para magamit sa pagri-research.”
Dagdag pa ni Lolo Arnulfo, dahil saw ala rin silang kuryente ay kinakailangan pa nila na maki-charge sa may generator at nagbabayad lamang sila ng 15 pesos halaga ng salapi.

“Tapos walang kuryente dito sa amin, magpa-charge ka, 15 ang singil kung magpapa-charge ka doon sa may generator”, saad ni Lolo Arnulfo.
Ibinahagi rin ni Lolo Arnulfo na binubuhay nila ng kanyang asawa ang kanilang isang anak na PWD at tatlo nilang apo.




Pinapagkasya umano nilang mag-asawa sa pangangailangan nilang pamilya ang pension na natatanggap nila na kada buwan nagkakahalaga nga lamang ng P5,300.

Saad pa ni Lolo Arnulfo sa kabila ng mahirap na sitwasyon ngayon, ay kinakailangan talaga na kayanin dahil mahalaga sa buhay ng isang mag-aaral ang magkaroon ng maayos na edukasyon.“Mahirap. Oo mahirap. Pero kailangan natin dahil may mga bata rin pilit kinakaya ang mahirap na sistema at kondisyon na meron tayo.”


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento