Si Alfred Vargas ay isa sa mga Kapuso actor na nabigyan ng break n’ung siya ay mapabilang sa cast ng unang Encantadia na ipinalabas ng GMA Network, kung saan ay nakasama niya sa fantaserye ng ito ang mga aktres na sina Iza Calzado, Karylle, Sunshine Dizon at Diana Zubiri.
Para sa kaalaman ng lahat, si Alfred Vargas ay nakapagtapos ng kursong A.B Management Economics sa Ateneo de Manila. Maliban pa dito ay kumuha rin siya at nakapagtapos ng master’s degree sa kursong Public Administration sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman.
Ang aktor ay ikinasal sa kanyang non-showbiz wife na si Yasmine Espiritu, isang Filipino-Italian na ipinanganak sa bansang Italya noong taong 2010 sa isang civil wedding ceremony. At taong 2017 naman ay muli silang ikinasal, at sa pagkakataon ngang ito ay sa simbahan na nagsumpaan ng pagmamahalan ang dalawa.
Ayon nga kay Yasmine, fan na siya noon pa ni Alfred bago pa man sila nagkakilala nito, kaya naman nung bumisita noon si Alfred sa bahay nina Yasmine ay nagulat ito ng makita na napakarami niyang poster sa loob ng silid ng ngayon ay kanya na ngang misis.
Mayroon ng tatlong anak sina Alfred at Yasmine, kung saan ang kanilang panganay na anak ay isang babae na pinangalanan nilang si Alexandra Milan na ipinanganak sa Italya. Ang ikalawa naman nilang supling na isa ring babae ay binigyan naman nila ng pangalan na Cassandra. Alfredo Cristiano naman ang pangalan ng kanilang bunso at tanging lalaking anak.
Mahigit isang dekada na rin ang pagsasama ng mag-asawang Yasmine at Alfred, at kitang kita nga sa kanilang dalawa ang labis na pagmamahal nila sa isa’t isa. Para nga kay Alfred ay napaka-swerye niya dahil sa araw-araw na pagising niya sa umaga ay ang napakagandang mukha ng misis niya ang kanyang nasisilayan.
“Napaka-swerte ko sayo. Ang sarap magising tuwing umaga na katabi kita. Ang sarap mong ligawan araw-araw hanggang ngayon at ipagpapatuloy kong ligawan ka kahit maputi na ang buhok natin. Salamat dahil laging oo naman ang sagot mo sa akin. Mahal na mahal kita.”
Tunay nga naman na napakaganda ng asawa ni Alfred na Yasmine, at maraming mga netizens at tagahanga ng aktor nga ang nagsasabi na may pagkakahawig ito sa Primetime Queen na si Marian Rivera.
Hindi nga lamang ang kagandahan ng mukha ang hahangaan kay Yasmine, kundi maging ang pagkakaroon niya ng magandang hubog ng katawan, na hind inga aakalain na mayroon na pala siyang tatlong anak.
Source: Famous Trends
0 comments:
Post a Comment