misis ng aktor na si Richard Gomez na si Lucy Torres na isang politician. Ngunit bago pa man nga pinasok ni Lucy Torres ang mundo ng pulitika, ay nauna muna siyang nakilala ng publiko sa mundo ng showbiz kung saan ay talaga namang hinahangaan ng marami niyang mga naging tagahanga noon ang kanyang angking kagandahan bilang isang aktres.
Isa nga sa mga itinuturing noon na may pinakamagandang mukha sa showbiz si Lucy, kaya naman talagang hindi nakapagtataka na mabihag niya ang puso ng isa rin sa pinaka-gwapong aktor sa industriya at ito nga ay si Richard Gomez.
Matatandaan na ikinasal sina Lucy at Richard noong ika-28 ng Abril taong 1998 sa St. Peter and Paul Parish Church sa Ormoc City, Leyte. Ang pagmamahalan nilang mag-asawa ay nabiyayaan naman ng isang anak, at ito nga ay ang kanilang only child na si Juliana Marie Beatriz T. Gomez.
Sa kasalukuyan ay nasa mundo na ng pulitika si Lucy, kung saan siya nga ay Representative ng 4th District ng Leyte.
Samantala, hindi naman maitatanggi na ngayon nga ay nagkaka-edad na rin ang mag-asawang Lucy at Richard. Ngunit ang talaga namang nakamamangha ay ang tila hindi kumukupas at tumatandang mukha ni Lucy Torres na sa kabila ng kanyang tumatandang edad, ay nanatili pa rin ang kanyang napaka-fresh at napakagandang awra na tila nga dalaga pa rin.
Makikita nga sa social media ni Lucy ang isa niyang larawan kung saan siya ay nag-selfie photo sa isang vintage mirror, at dahil sa kanyang napakagandang mukha ay pinahanga niya ang mga netizens sa larawan niyang ito dahil kitang kita naman na napaka-ageless ng kanyang angking ganda.
Hindi nga lamang ang walang kupas na kagandahan ni Lucy ang umani ng napakaraming papuri, kundi kinabibiliban din ng mga netizens ang matatag at mayibay na samahan nila ng asawa niyang si Richard Gomez.
Makikita nga naman sa larawan nilang mag-asawa na sa kabila ng ilang taon na nilang pagsasama ay nanatili pa rin ang tamis ng kanilang pag-iibigan. Sa katunayan pa nga ay nnagdiwang na sila ng kanilang ika-23 taong anibersayo ng kasal noong nakalipas na Abril 28 ng kasalukuyang taon.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento