Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Babaeng Iniwan Ng BF Dahil Sa Katabaan, Naghigante Sa Pamamagitan Ng Pagreregalo Dito Ng Sabon Na Gawa Sa Kakaibang Sangkap

Napagpasyahan ng babae na ito mula sa Zhengzhou, Henan Province sa China na bigyan ng leksyon ang kaniyang dating kasintahan na kailanman ay hindi niya malilimutan.

Ang naturang babae ay nakilala sa pangalan na Xiao Xiao. Ayon sa kaniya, iniwan umano siya ng kaniyang kasintahan dahil sa kaniyang matabang pangangatawan.

Dahil sa pangyayaring ito, napagdesiyunan ni Xiao Xiao na sumailalim sa liposuction para mabawasan ang kaniyang timbang upang bigyan na din ng leksyon ang kasintahan na nang iwan sa kaniya.

Gayunpaman, napagpasyahan ni Xiao Xiao na huwag itapon ang taba na tinanggal mula sa kaniyang katawan. Sa halip ay ginawa niya itong sabon kung saan ito ay ipapadala niya bilang regalo niya sa kaniyang dating kasintahan.

Nag-post din umano ng mensahe si Xiao Xiao para sa kaniyang dating kasintahan gamit ang kaniyang account sa Weibo.

Aniya,

“Yang Xiaolei, do you still remember last Spring Festival? Since [I] can’t accompany you to go home this year, I used my own fat to make a soap and give it to your mother for bathing. Spring Festival is the time to give a gift to those low-class men who judge women by appearance.”

Samantala, kaagad naman naging viral sa social media ang kaniyang kontrobersyal na online post at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga Weibo users.

Ang ilan ay hinihikayat si Xiao Xiao na humanap na lamang ng mas better na lalaki at mas deserve ang kaniyang pagmamahal habang ang ilan ay hindi naman nagustuhan ang ginawang ito ni Xiao Xiao.

Komento ng isang Weibo user,

“Your ex-boyfriend was right, beauty and ugliness comes not just from being fat and thin but from the heart.”

Samantala, hindi naman napatunayan kung ibinigay ba talaga ni Xiao Xiao ang sabon na ginawa para sa kaniyang ex-boyfriend.


Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento