Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Bea Alonzo, Ipinasilip Ang First Time Niyang Pagha-Harvest Ng Mga Gulay Sa Kanyang Farm Sa Zambales

Ang makabili ng isang napakalawak na lupa sa probinsya ay maituturing na napakagandang investment.

Katulad na lamang ng aktres na si Bea Alonzo na napagdesisyunan na i-invest ang kaniyang pera na kinikita mula sa kaniyang mga proyekto, endorsement, at iba para bumili ng isang napakalawak na farm sa Zambales na tinawag niyang Beati Firma.

Marami ang humanga kay Bea nang ipasilip niya ang malawak na farm na kaniyang pag-aari kung saan makikita ang taniman ng mangga.


Bukod dito, makikita din sa nasabing farm ang iba't ibang alagang hayop at mayroon din itong fishpond.

Makikita din dito ang iba't ibang klase ng mga namumungang puno na kung saan ay talagang walong halong kemikal at talagang organic. Ang bawat puno din ito ay siksik ng sustansya.


Sa latest vlog ng aktres sa kaniyang YouTube vlog, ibinahagi ng aktres ang bagong proyekto na naisip niya para sa kaniyang Beati Firma farm. Ito ay ang vegetable garden na tinawag ng aktres na 'Mary's Secret Garden' kung saan nakalagay ang mga pananim ng kaniyang ina na si Mary.

Sa naturang vlog, ipinasilip din ni Bea ang pagha-harvest ng mga gulay sa secret garden ng kaniyang ina. Ilan lamang sa mga pananim na makikita sa naturang garden ay ang okra, sitaw, mais, at talong. Makikita din ang saya na nadarama ni Bea habang pinipitas ang talong at sitaw.


Ayon sa aktres, talagang nakakatipid at masustansiya pa ang mga gulay at prutas na kanilang kinakain dahil nasisiguro nila na ito ay kaka-harvest lamang at puro organic ang ginagamit dito.

Para kay Bea ay napakalaki at maganda ang naitutulong ng pagkakaroon ng sariling garden kaya hinikayat din niya ang publiko na maggaw ng garden sa kani-kanilang mga tahanan dahil malaki ang pakinabang nito at tulong na naidudulot nito sa loob lamang ng mahigit isang buwan.

Samantala, nahinto naman ang pagha-harvest ni Bea dahil sa biglaang pagbuhos ng malakas nga ulan habang siya ay namimitas ng bunga ng gulay. Gayunpaman, ipinagpatuloy pa din ni Bea ang kaniyang vlog kahit pa man hindi natapos ang kaniyang pagha-harvest. Dito ay ipinasilip naman niya ang masayang bonding nilang pamilya.



Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento