Sino nga ba namang tao ang nais na maging homeless? Marahil ay walang sinoman na ganito ang buhay na kahitnan niya dito sa ibabaw ng daigdig. Ngunit dahil nga sa hindi naman lahat ay ipinagpala, at may mga tao talagang pinanganak ng walang-wala ang pamilya ay mayroon talagang mga homeless tayong nakikita sa iba’t ibang dako ng mundo.
Kaawa-awa nga naman ang buhay ng mga homeless person, ngunit may ibang tao na imbis na kaawaan sila ay hinahamak pa ang mga ito, lalo na ‘yung mga may kakayanan sa buhay.
Imbis nga na tulungan ang isang homeless ay hahamakin pa ito, kaya naman talagang nakakadurog ng puso ang kalagayan ng mga taong ito na walang-wala na nga sa buhay ay nakakaranas pa ng pangmamaliit.
Samantala, minsan nga ay masasabi pa natin na kung sino pa ang homeless, sila pa yung nakagagawa ng kabutihan sa kanilang kapwa. Na sa kabila ng sila ay walang-wala, batid nila kung ano yung nararapat at hindi dapat gawin sa isang bagay na batid nilang hindi sa kanila.
Ganito nga ang ipinamalas ng isang homeless person mula sa bansang Thailan kamakailan lamang, kung saan ay naghatid ito ng inspirasyon sa marami. Ito nga ay dahil sa kanyang ipinamalas na kahanga-hangang gawain ay nagkaroon ng pagbabago sa kanyang buhay.
Kinilala ang homeless person na ito na si Waralop, na umanoy nakapulot ng isang mamahaling Hermes na wallet na pagmamay-ari naman ng nagngangalang Nitty Pongkriangyos. Ang pinataka ay naglalaman ng salapi na nagkakahalaga ng THB20,000 o kung pera nga ng pinas ay aabot ng Php30,000.
Kahit nga isang homeless, hirap sa buhay at labis ang gutom na nararamdaman ay hindi pinag-interesan ni Waralop ang pitakang kanyang napulot. At ang kanya ngang ginawa na kahanga-hanga para sa marami ay ang pagdadala niya nito sa istasyon ng pulisya, para maibalik ito sa totoong may-ari.
Lubos naman ang naging pasasalamat kay Waralop ng may-ari ng pitaka, at dahil nga sa katapatan na ipinamalas ni Waralop ay higit sa salapi o pagkain ang naging gantimpala sa kanya ng may-ari ng pitaka na kanyang napulot.
Dahil sa humanga ang may-ari ng pitaka na napulot ni Waralop sa katapatan na ipinamalas ng nasabing homeless person, ay pinagkalooban nito si Waralop ng apartment na matitirhan at trabahong mapagkakakitaan. Maliban pa dito, ay binilhan din nito ang homeless person ng kanyang mga damit at iba pang mga pangangailangan.
Para nga kay Waralop ay napakalaki ng biyaya na ito na kanyang natanggap, at patunay nga nito na kapag ikaw ay naging tapat o gumawa ng mabuti sa kapwa ay may magandang biyaya itong kapalit.
“I’m so grateful to be given this change to turn my life around. Having a clean bed to sleep it makes me so happy now”, ani Waralop.
Ayon naman kay Patty na siyang nagbahagi ng kuwento na ito sa social media ng katapatan na ginawa ni Waralop ay matagal ng naninirahan sa kalye si Waralop at minsan pa umano ay nagpapalipas at natutulog lamang ito sa Huay Kwang MRT station.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento