Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Isang Lolo Ang Hinahangaan Dahil Sa Nagagawa Pa Rin Nitong Maghanapbuhay Sa Pamamagitan Ng Pagbebenta Ng Mga Basahan

Dahil sa labis na kahirapan na nararanasan ng marami sa atin ngayon, ay halos nga naman lahat bata man o matanda ay nagagawa ng maghanap ng paraan upang kumita ng pera at matustusan ang kanilang pangangailangan. Ang iba nga sa kanila ay matapang na nakikipagsapalaran sa kalye araw-araw may kitain lamang.




Halimbawa na nga lamang nito ay ang isang matandang lalaki na sa kabila ng kanyang katandaan at kalagayan ay nagagawa pa rin niyang maghanap buhay, para lamang siya’y may maipambili ng kanyang gamot na kanyang iinumin araw-araw.

Image Credit via Google

Kamakailan nga lamang sa social media, ay naibahagi ang kuwento ng matandang lalaki na namataan na naglalako ng mga basahan sa kalye kahit pa nga ba napakainit ng panahon dahil sa tirik na tirik ang araw.

Image Credit via Google

Ayon sa netizens na nagbahagi ng kuwento ng Lolo, sa paglalako nito sa kalye ay naging kapansin-pansin sa kanya ang paghihirap nito sa kanyang paglalakad at napag-alaman pa niya na ang naturang matandang lalaki ay may sakit.

Image Credit via Google

Ngunit sa kabila nga umano ng sakit nito at mainit na panahon na kinahaharap nito sa kanyang paglalako ng basahan araw-araw ay hindi nga nito inaalintana, dahil sa kinakailangan umano nito ang kumita para may maibili ito ng gamot na kanyang iniinom araw-araw.

Image Credit via Google

Sa kalye ng Pasig kamakailan lamang namataan ang nasabing matandang lalaki na naglalako nga ng mga basahan sa halagang P20.00. Kahit nga siya’y mayroon ng karamdaman ay pinipilit pa rin niya ang maghanapbuhay para lamang matustusan ang pangangailan niya sa kanyang kalusugan.

Image Credit via Google

Batid naman ng marami sa atin na sa panahon ngayon, ay hindi ligtas sa matandang katulad ni Lolo ang manatili sa labas ng tahanan, ngunit kahit nga umano delikado para sa kanya ang manatili sa labas ay mas mahalaga pa rin na siya’y makapaghanapbuhay para may maiuwi siyang kita at may maipambili siya ng pangangailangan niyang gamot.

Dahil sa nakakaantig na kalagayan ni Lolo, ay nanawagan sa publiko na may mabubuting puso ang netizens na nag-post ng sitwasyon nito, upang matulungan nga si Lolo na maubos ang kanyang panindang basahan para naman ito’y makauwi na at makapagpahinga na sa kanilang tahanan.




Sa awa naman ng Diyos, ay isang personalidad sa telebisyon ang nagpaabot ng tulong kay Lolo at ito nga ay si Idol Raffy Tulfo, kung saan upang mas maging maayos ang buhay ni Lolo, at hindi na nito kailangan pa ang maglako sa kalye ng basahan, ay binigyan ito ni Idol Raffy ng negosyo at apartment para mayroon itong maayos na matitirhan.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento