Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Isang Socmed Influencer, Sinasabing Kamuha Ni Jimin Ng BTS

Si Marlou Arizala o mas kilala na ngauon bilang si Xander Ford ay isa sa mga kilala at kontrobersyal na social media personality sa Pilipinas. Kasunod ng pagbabago ng pisikal na kaniyang kaanyuan, pinabago din niya ang kaniyang screen name bilang si Xander Ford.

Ngunit, noon pa man noong siya ay si Marlou Arizala pa ay madalas na siyang nakakatanggap ng mga negatibong komento at batikos mula sa mga netizens.

Sa isang post ni Xander sa kaniyang social media account, tinawag niya ang kaniyang sarili bilang 'Jimin' ng Pinas. Si Jimin ay miyembro ng kilalang South Korean boy group na BTS.

Kaakibat ng post ay ang larawan ni Xander kung saan ginaya niya ang pose ng nasabing K-Pop icon. 

Mabilis na naging usap-usapan sa social media ang naturang post. Umabot pa ito sa mahigit na 100,000 reactions, 35,000 comments, at 83,000 shares. Maraming netizens ang hindi natuwa sa post na ito ni Xander at muli ay nakatanggap na naman siya ng mga negatibong komento.


Bukod pa diyan, nag-post pa si Xander ng isang video na may caption na: "Pambansang Opp Park Jim Ph." Sa naturang video, makikita ang ginagawang paggaya ni Xander sa post at estilo ni Jimin. Ang naturang video ay umabot sa mahigit na 100,000 reaction at 20,000 comments.


Sa comments section ng naturang video, maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang hindi pagsang-ayon sa nasabing caption ng video na ito ni Xander.

Marami pa ang nagsasabi na dapat ay matigil na ang pag-iilusyon ni Xander na siya ay kamukha ni Jimin dahil malayong malayo ang kanilang hitsura, estilo, at personalidad sa isa't isa. 

Ngunit, sa kabila ng mga pambabatikos, bash, at negatibong komento na natatanggap ni Xander sa social media, hindi niya ito pinapansin sa halip ay patuloy pa din siya na nagpo-post ng mga larawan at videos sa kaniyang mga social media accounts.


Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento