Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Kamusta Na Nga Ba Ang Buhay Ni Buboy Villar Bilang Single Dad?

Si Buboy Villar ay isa sa mga kilalang dating child star noon sa Philippine showbiz industry. Una siyang nakilala noong siya ay mag-audition sa Little Big Star. Simula noon ay nagtuloy tuloy ang kaniyang career sa showbiz.

Siya ay naging kabilang sa mga cast ng teleseryeng Dyesebel noong 2008 at gumanap sa ilang pelikula katulad ng 'Supahpapalicious, Shake, Rattle & Roll X, Ang Panday, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.

Hindi maipagkakaila na isa siya sa mga mahuhusay na artista sa mundo ng showbiz. Gayunpaman, bukod sa pagiging isang magaling na aktor, hinahangaan din si Buboy dahil sa pagiging mabuti at mapagmahal nitong ama sa kaniyang dalawang anak.


Kahit pa man naging ama sa murang edad, sinisigurado pa din ng dating child star na si Buboy na masuportahan at matugunan ang mga pangangailangan ng kaniyang dalawang anak.

Maliban nga sa kaniyang pag-aartista, pinasok na din ni Buboy ang mundo ng pagiging YouTube vlogger. Siya ay mayroon ding negosyo, ito ay ang kaniyang paresan na tinawag niyang 'Paresan ni Bok.'


Inamin ni Buboy na malaking tulong ang kinikita niya sa kaniyang paresan dahil dito siya nakakakuha ng pandagdag suporta sa pangangailangan ng kaniyang mga anak lalo na ngayong madalang lamang ang mga projects na natatanggap niya dahil sa pand3miya.

Sa isang social media post, inihayag ni Buboy kung gaano siya ka-determinado na maibigay ang mga pangangailangan ng kaniyang dalawang anak. 


Pinasalamatan din niya ang lahat ng mga sumusuporta sa kaniyang munting negosyo.

Saad ni Buboy sa kaniyang Instagram post,

"Maraming salamat sa mga nag support sa #ParesanNiBok eto ah kahit ano pa man pasukin mo makakaya mo bastat sipag at tyaga lang hindi na kasali dito kung mataas ka man o mababa bastat parehas tayo tao at kaylangan natin mabuhay sa pang araw araw . Alam kong hindi lang eto ang kaya ko"


Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento