Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na isang health buff ang aktres na si Pauleen Luna. Simula noong isilang niya ang panganay na anak sa asawang si Vic Sotto na si baby Tali ay mas lalo pang nagpursige si Pauleen na maging fit at healthy.
Nito lamang ding taon nang nagsimula si Pauleen sa kaniyang fitness journey upang mas maging malakas at malusog ang kaniyang pangangatawan.
Gayunpaman, kahit gaano ka-healthy si Pauleen ay hindi mo aakalain na mayroon palang sakit na iniinda ang aktres.
Sa kaniyang social media account, nag-open up si Pauleen tungkol sa pagkakaroon niya ng PCOS.
Isa itong karamdaman na partikular sa mga babae lamang kung saan naaapektuhan ang kanilang hormones dahil hindi mabalanse ang kanilang katawan. Ibinahagi din ng aktres ang hirap na kaniyang nararanasan sa pagkakaroon ng ganitong uri ng kondisyon.
Hindi madali ang pagkakaroon ng PCOD dahil bukod sa hormonal imbalance, maaari din itong magdulot ng iba pang kumplikasyon. Kaya naman talagang nagpupursige si Pauleen na magkaroon ng healthy lifestyle para kahit papaano ay mabawasan ang ilang sintomas na kaniyang nararamdaman.
Ngayon ay pinagtutuunan din ni Pauleen ng pansin na mapabuti pa lalo ang kaniyang kalusugan at pinipili na din niya ngayon ang mga pagkain na inihahanda sa kanilang hapag sa araw-araw.
Kasabay nito ay ang tamang ehersisyo para mapalakas ang kaniyang resistensya at mabalanse ang kaniyang hormones.
Pagbabahagi ni Pauleen sa kaniyang Instagram account,
"A little over a month into my fitness journey and I'm starting to feel strength coming back! I've accepted that it's a slow progress but slow is better than none. Living with PCOS is no joke. Making good choices with my food intake and moving (it's pilates, walking, spinning for me) has been my priority lately. So happy where I am right now and I really pray that God will sustain me."
Sa loob ng ilang buwan ng kaniyang 'fitness journey', napansin na daw ni Pauleen ang mga positibong epekto nito sa kaniyang katawan. Ani ng aktres ay naramdaman umano niya na mas lalong lumakas ang kaniyang pangangatawan.
Sa kabila ng hirap na pinagdadaanan ni Pauleen dahil sa kaniyang karamdaman, masaya pa din niyang nagagampanan ang kaniyang responsibilidad bilang ina at asawa. Patuloy din siyang nanalangin na sana ay mapagtagumpayan ang pagsubok na kinakaharap at bumalik na muli sa normal ang estado ng kaniyang kalusugan.
Ang sobrang stress ay isa din sa mga bagay na dapat iwasan ni Pauleen kaya naman madalas ay nagbabakasyon sila kasama ang kaniyang pamilya para guminhawa ang kaniyang pakiramdam at mawala ang lahat ng kaniyang iniisip o bumabagabag sa kaniya.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento