Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Sa Kabila Ng Edad Na 62 Taong Gulang Isang Lola Ang Proud Na Nakapagtapos Ng High School

Sa buhay ng isang tao ay hindi nga naman lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na makapagtapos ng pag-aaral, at ito nga ay may iba’ t ibang mga dahilan. Ngunit ang pinaka nangunguna sa dahilan ng hindi pagtatapos ng isang tao sa kanyang pag-aaral ay nang dahil sa kahirapan ng buhay at kakulangan sa pangtustos sa pag-aaral.




Samantala, sa kabila naman ng kahirapan ay may iba na talagang nagsusumikap sa buhay upang matustusan ang kanilang pag-aaral para magkaroon sila ng magandang edukasyon sa hinaharap, ngunit may iba naman na dahil sa hirap ng buhay ay napaglipasan na ng panahon, at tumanda na nga na hindi nakapagtapos ng pag-aaral.

IMage Credit via Google

Sa kabila nito, kamakailan lamang ay isang Lola naman ang nagbigay inspirasyon sa marami, kung saan ay kanyang pinatunayan na hindi porke napaglipasan ka na ng panahon ay hindi mo na magagawa ang pangarap mo na matapos ang edukasyon na iyong pinapangarap.

IMage Credit via Google

Ang nasabing lola ay nakilala na si Lola Josephine Amante Villatema, 62-taong gulang , na dahil sa kanyang naging pagsusumikap ay matagumpay na nakapagtapos ng high school sa kabila ng kanyang edad.

IMage Credit via Google

Ayon sa mga naging ulat, si Lola Josephine ay nakapagtapos ng high school sa edad niyang 62 at ito nga ay sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS) sa Timoteo Policarpio Memorial School sa Norzagaray, Bulacan.

Si Lola Josephine umano ay nagsumikap na kapagtapos ng sekondarya dahil sa nais niyang mabigyan ng katuparan na makapag-aral siya ng Culinary Arts sa ilalim ng programa ng TESDA. Kahit nga siya’y matanda na, ay sinipagan ni Lola Josephine ang kanyang pag-aaral.

Hindi nakapagtapos si Lola Josephine ng sekondarya nu’ng kanyang kabataan dahil na rin sa kahirapan ng buhay, kung saan ay hind inga kayang tustusan ng kanyang mga magulang ang kanyang pag-aaral, kaya naman siya’y nakapagtapos lamang noon ng elementarya.

Ngunit ngayon nga ay kanyang pinatunayan na sa mga kagaya niyang napaglipasan na ng panahon ay hindi pa rin huli ang lahat para bigyan ng katuparan ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral, lalo na kung ito nga ay talagang iyong gugustuhin at pagsusumikapang tuparin.




Para kay Lola Josephine ay malaki ang naitulong sa kanya ng ALS dahil ito ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon na matapos ang kanyang pag-aaral sa sekondarya na magiging daan na rin upang mabigyan niya ng katuparan ang makapag-aral siya ng Culinary Arts sa TESDA.

Inaalay naman ni Lola Josephine ang kanyang determinasyon sa kanyang pamilya, at nawa umano ay magsilbing inspirasyon ang kanyang kuwento sa mga taong gusto pa ring mabigyan ng katuparan ang pangarap nila kahit sila ay may edad na.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento