Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Ynez Veneracion, Binalikan Ang Karanasan Sa Sobrang Liit Na Talent Fee Niya Noong Nagsisimula Pa Lamang Siya

Pa extra-extra lamang noon ang sexy aktres na si Ynez Veneracion sa mga pelikula noong late 90's at kumikita lamang siya ng 50 pesos sa bawat extra roles nito.

Hanggang sa nadiskubre ang aktres sa kanyang sexy roles, hindi na gaano ka baba ang kanyang kinikita dahil siya ay gumaganap na bilang leading lady.

Ayon sa isang interview noong July 21, masaya ang aktres dahil sa wakas ay main role na siya sa mga pelikula na kanyang ginampanan, at hindi na ito pa extra extra.

"Tuwang-tuwa ako kasi dati, extra lang ako sa pelikula. Dati kasi, huwag kang kukurap. Kasi pag kumurap, hindi mo ako makikita. Ito yung tipong nasa likod ka lang ng artista, kumakain. Nakaupo, kumakain, o kaya tatawid," pagsasalaysaly ni Ynez.

“So sabi ko, ‘Hindi ako masaya, hindi niyo ako nakikita.’ So, ngayon, nung nagkaroon ako ng bidang pelikula, siyempre tuwang-tuwa ako.

"Kasi yung dating fifty pesos na talent fee ko a day, naging ano na... kasi nauso dati yung pito-pito, e, pito-pito movies yung seven days mo lang siya gagawin."

Ang “pito-pito” films ay pinauso ng Regal matriarch na si Lily Monteverde noong '90s, kung saan ang isang pelikula ay may P2-million budget lamang at kailangang matapos sa loob lamang ng pitong araw.

Paglalahad ni Ynez, "Sa Regal Films yun, seven days mo lang siya gagawin. So, nag-TF [talent fee] ako nun ng P70,000 for seven days. So, sabi ko, ‘Oh my God, yung fifty pesos ko, naging ten-thousand plus a day.’"

“Sobrang tuwang-tuwa ako nun kasi bida ka na, tapos ang laki ng talent fee mo, di ba? From fifty pesos, ang laki ng itinaas. Sabi ko dati, ‘Lord, pangarap kong maging artista. Kahit bit roles lang, okay na.’ Pero mas malaki pa ang ibinigay Niya sa akin, kaya tuwang-tuwa ako nun.

“Kahit na nahirapan ako sa first role kasi sexy sobra, e"

Taong 1997 ang kauna-unahang pelikula ni Ynez kasama ang mga leading man nito na sina Gino Antonio at Toffee Calma.

Ayon kay Ynez dahil nga kadalasan ay sexy ang roles nito sa pelikula hindi naman daw ito ginawang dahilan ng ilan niyang leading man para siya ay bastusin, sa tutuusin after the film ay mismong tinatakpan siya nito.

“Pero thankful din ako kasi yung mga leading man ko, lahat sila magagalang, lahat sila mababait, lahat sila pinuprotektahan ako.

“After the scene, tinatakpan nila ako, mababait din sila talaga.”


Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento