Labis na galak at kasiyahan ang nadarama ng aktres na si Jodi Sta. Maria, dahil sa wakas matapos ang ilang taon na pagpupursige at puspusan niyang pag-aaral kasabay ng pagtatrabaho bilang aktres ay natapos na nga niya ang kanyang kurso sa kolehiyo at nakamita na ang diplomang matagal na niyang pinapangarap.
Sa Instagram ng aktres, kamakailan lamang ay nagbahagi ito ng kanyang ‘graduation pic’, kung saan ay makikita nga sa kanyang mga ngiti ang tamis ng tagumpay.
Si Jodi Sta. Maria ay nagtapos sa kolehiyo sa edad niyang 38 ngayon, sa kursong BS Psychology sa Southville International School and Colleges. Matatandaan na noong taong 2017, buwan ng Hunyo ng muling magbalik eskwela ang aktres, upang mabigyan ng katuparan ang pangarap niyang magkaroon ng magandang edukasyon at magkamit ng diploma.
Para sa aktres, ang kanyang tagumpay sa pagtatapos ng kolehiyo ay patunay lamang na hindi pa huli ang lahat, lalo na sa mga taong patuloy na nagsusumikap at nangangarap na makamit ang kanilang diplomang inaasam.
“Success comes to those who want it. Ans sometimes you have to ask yourself “how much do I want this?” I dreamt of finishing my schooling ever since I entered showbusiness and today, more than a decade, marks the fulfillment of that dream. After 4 long years, I am here graduating from college.”
Ibinahagi rin ng aktres, na sa bawat ‘journey’ niya sa kanyang naging pag-aaral ay lagi lang nakatatak sa kanyang isipan, na hindi siya pababayaan ng Poong Maykapal, at lagi itong nasa kanyang tabi para magbigay kaalaman.
“In school, whenever I faced a seemingly insurmountable task, I’d always push myself and say, ‘It can be done’. I knew that God was with me all throughout my college life ang kept holding on to his promise that I can do all things through Him who gave me strength and supplied me with more than I needed according to His glorious riches in Christ Jesus. God is always faithful in His word.”
Nabanggit rin ng aktres na sa likod ng kanyang tagumpay sa pagtatapos sa kanyang pag-aaral ay ang mga taong sumuporta, umintindi at nagbigay lakas sa kanya. “My teachers, my family, my management team, and my friends.
Thank you for letting me reach my stars. To God all the glory, honor and praise.”
“Remember, it is never too late, and you never too old to reach your stars.”, ang naging payo pa ng aktres para sa lahat ng mga taong patuloy na nangangarap at nagsusumikap sa buhay.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento