Ang kilalang gwapo, hunk at basketbolista na si James Yap ay mas nakilala ng publiko noon ng siya ay ikasal sa TV host-actress na si Kris Aquino. Ngunit ang kanilang ngang pagsasama ay hindi rin naman nagtagal, dahil ito ay nauwi sa hiwalayan. Sa kabila nito ay nagkaroon naman sila ng isang anak, at ito nga ay si Bimby.
Samantala, sa ngayon nga ay may kanya-kanya ng pamilya ang dating mag-asawa, si Kris ay masayang namumuhay kasama ang kanyang mga anak, samantala si James naman ngayon ay may bago na ring pamilya.
Sa ngayon nga ay masayang namumuhay si James Yap, sa piling ng kanyang asawa ngayon na si Michela Cazzola isang Italya na talaga namang ang kagandahan ay kabigha-bighani. Sa unang tingin nga lamang ay makikita na agad ang kagandahan ni Michela, kaya naman hindi kataka-taka na napa-ibig niya ang sikat na basketbolista.
Para kay James Yap, ang kanyang asawa ngayon na si Michela ang nagbigay sa kanya ng panibagong buhay. Dahil magmula ng ito ay kanyang makilala ay ito ang kanyang naging say at lakas upang mas lalo pang magpatuloy sa buhay.
Ayon naman sa mga ulat, si Michela Cazzola ay laking Italya, siya ay ipinanganak noong ika-23 ng Oktubre taong 1983. Kilala si Michella dahil sa kanyang pagkakaroon ng kabigha-bighaning kagandaha. Ngunit para kay James Yap, ay hindi lang ang pisikal na kagandahan ni Michela ang inibig niya rito, kundi maging ang kagandahang-loob nito.
Sa kasalukuyan ay nabiyayaan na ng dalawang anak sina James Yap at Michela Cazzola, at masaya ngang naninirahan ang pamilya sa ibang bansa.
Samantala, sa kabila naman ng pagkakaroon na ng dalawang anak ni Michela, ay tila naman matapos nitong manganak ay agad nitong naibalik ang taglay na kagandahan at kaseksihan ng kanyang pangangatawan. Kaya naman talagang hinahangaan rin ito ng marami, dahil hindi nito napapabayaan ang sarili.
Marami ngang mga netizens ang talagang hinahangaan ang asawa ni James Yap na si Michella, dahil maliban sa napakaganda nito na taglay nga ang ‘Italian beauty’ ay isa rin itong napakabait na asawa.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento