Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Dahil Sa Mala-Computerized Niyang Sulat-Kamay Isang Grade 8 Student Mula Sa Nepal Naging Tanyag

Maituturing na biyaya sa Diyos ang bawat talento na mayroon tayo sa ating buhay. At tunay nga naman na ang bawat tao ay may kanya-kanyang talento sa iba’t ibang larangan na kailangang hasain, paglinangin at pagyamanin niya sa kanyang buhay at ito ay dapat ipinagmamalaki.




Bawat indibidwal ay may iba-ibang kakayahan o talento, ang iba ay may talento sa pagkanta, pagsayaw, pagpinta, pagluto at marami pa ngang iba. At karaniwan na nga nating nakikita sa ating kapwa ang mga talentong ito.

Image Credit via Google

Samantala, kamakailan nga lamang ay isang Grade 8 na estudyante ang naging agaw-pansin sa social media, ito nga ay dahil sa ikinamangha ng marami ang kanyang natatanging talentong taglay.

Image Credit via Google

Marami aang bumilib at humanga sa talento ng Grade 8 student na ito dahil sa kakaiba at hindi karaniwan sa isang indibidwal ang talentong mayroon siya, at ito nga ay ang kakayahan niya sa pagsusulat ng napakaganda niyang sulat-kamay.

Image Credit via Google

Kinilala ang Grade 8 student na ito na si Prakriti Malla na mula sa bansang Nepal. Ang kanyang sulat-kamay ay hindi tulad sa mga ordinaryong hand-writing na ating nakikita, dahil sa tila ito ay ginamitan ng teknolohiya kagaya ng computer dahil sa napakaayos, linis, at ganda ng kanyang pagkakasulat sa bawat letra o salita.

Image Credit via Google

Dahil sa kanyang kamangha-manghang sulat-kamay, ngayon nga ay tinagurian si Prakriti Malla bilang ang tao na may pinakamagandang sulat-kamay sa buong mundo.

Ang nagbahagi ng napakagandang sulat kamay ni Prakriti sa social media ay ang guro niyang si Dr. Krisin Furguson, kung saan ayon nga sa guro ay talaga namang namangha siya sa sulat-kamay ng kanyang estudyante kaya naman ito ay kanyang kinunan ng larawan at ibinahagi sa social media.

Dahil sa tila nga ang istilo ng sulat-kamay ni Prakriti ay mula sa isang ‘font style’ ng computer, sa unang tingin nga ay tila aakalain ng sinoman na ang sinulat sa isang papel ay tinype gamit ang computer ngunit ito nga ay sulatf-kamay ng isang Grade 8 student.

Ayon naman kay Prakriti, hilig niya talaga ang pagsusulat kaya naman nahasa rin ang kanyang sulat-kamay. Dahil nga sa napakaganda niyang sulat-kamay ay madalas na siya ay pinapasulat. Saad pa niya, para sa kanya ay napanatural lamang ng pagsusulat na kanyang ginagawa, ngunit dahil nga sa maganda niyang sulat-kamay ay nakilala at naging tanyag siya.




Umani naman ng maraming papuri at paghanga mula sa mga netizens si Prakriti, dahil sa talagang kamangha-mangha ang talentong taglay niya. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na may isang Grade 8 student na may kakayang magsulat ng tila katulad ng isang “font” sa computer, kung saan ito ay maganda, malinis at pantay-pantay.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento