Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Dating Aktres Na Si Jinky Oda Masaya Ang Buhay Ngayon Bilang Security Personnel Sa Ibang Bansa

Kamakailan lamang ay naging tampok ng magkaibigang Rufa Mae Quinto at LJ Moreno sa kanilang vlog sa YouTube channel nila ang buhay ngayon ng dating aktres na si Jinky Oda. Ang tatlo nga ay parehong nasa Amerika sa kasalukuyan.




Matatandaan na si Jinky Oda ay isa sa mga aktres na nakilala noon sa popular na sitcom na may titulong “Okay Ka, Fairy Ko!” Ang kanyang husay sa pag-arte at pagiging isa ring komedyante na nagbibigay saya sa mga manonood ang ilan lamang sa hinahangaan sa kanya ng mga tagasuporta niya.

Image Credit via Google

Sa YouTube channel nga nina Rufa Mae Quinto at LJ Moremo na “The Wander Mamas”, ay kanilang ibinahagi sa isa mga latest vlog nila ang naging pakikipag-chikahan nila sa dating aktres na si Jinky Oda. Napag-usapan nila ang buhay ngayon ng dating aktres, at kung paano nga ito napadpad sa bansang Amerika matapos nitong iwan ang karera bilang isang artista.

Image Credit via Google

Naibahagi ni Jinky, na ang ideya na pagpunta sa bansang Amerika ay kanyang naisipan ng tanungin niya ang kanyang anak kung gusto ba nito na iwanan ang Pilipinas at manirahan na sa ibang bansa, kagaya nga ng bansang Amerika.

Image Credit via Google

“First year ko dito the whole year culture shock siya. Kasi walang tao. Nasa’n ang tao? Kapitbahay mo nga ‘di mo kilala.. Walang tao, walang kausap”, chika ni Jinky.
Pagbabahagi ng dating aktres,

Image Credit via Google

talaga namang “culture shock” ang unang taon nila ng kanyang anak sa Amerika, ito nga ay dahil malayong malayo ito sa nakasanayan nilang buhay sa PIlipinas. Naikuwento rin ni Jinky kana Rufa Mae at LJ ang iba pang nangyari sa buhay niya sa Amerika matapos nga nilang mag-migrate sa nasabing bansa, at isa na nga sa mga ito ay naging unang trabaho niya roon bago pa man siya napasok bilang isang security personnel.

Image Credit via Google

Kuwento ni Jinkee, una siyang napasok bilang isan caregiver, sa tulong ng kapatid niya na isang nurse sa Amerika, ngunit dahil sa hindi pa kumpleto ang kanyang papeles upang mamasukan ay pansamantala nga lamang ang trabaho niyang ito.

Napasok naman umano siya bilang isang security personnel ng may makilala siya sa nasabing bansa na isang lalaki na nagpasok nga sa kanya sa naturang trabaho.
“Meron akong nakilalang guy na local security guard. Lumapit lang siya sa’kin, siyempre, to be polite ngumiti lang ako. Biglang lumapit, nagpakilala. To make the long story short, siya ang nagpasok sa akin sa security field.”




Inamin naman ni Jinky na nami-miss niya rin ang Pilipinas, ngunit ayon nga sa kanya, ay mga kaibigan na lamang din naman niya ang bibisitahin niya sa bansa kung magkataon, dahil ang kanyang pamilya ay nasa Amerika na rin.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento