Kung batang 90’s ka, marahil ay natatandaan mo pa ang sikat na all male dance group noon na “Streetboys” kung saan ay miyembro nito ang dating aktor at mahusay na mananayaw na si Spencer Reyes.
Maliban nga sa pagiging isang mahusay na mananayaw na miyembro ng Streetboys, ay pinasok rin ni Spencer Reyes ang larangan ng pag-arte, kung saan siya ay napabilang sa ilang mga bigating pelikula kasama ang ilan sa mga batikang artista sa industriya ng showbiz.
Samantala, tunay ngang ang kasikatan ay nawawala, dahil sa kabila ng husay at talento ni Spencer ay natapalan na ang kasikatan niya ng mga bagong talent. Dito na nga unti-unting nawala sa mundo ng showbiz si Spencer.
Kahit naman wala na siya sa industriya ng showbiz, ay patuloy namang nagbibigay update si Spencer sa kanyang mga tagahanga at tagasubaybay patungkol sa buhay niya. Naging aktibo siya sa pag-gamit ng mga online platforms kagaya ng Instagram at YouTube.
Sa ngayon nga ay naninirahan na sa United Kingdom (UK) si Spencer. At kasama nga niya rito ang kanyang non-showbiz wife at ang kanilang mga anak.
Ayon sa ilang ulat, naging daan ni Spencer na magkaroon ng trabaho sa ibang bansa at madala ang pamilya niya roon nung siya ay makuha ng Scottish Vocational Qualifications 2 in Professional Engineering pati na rin ng Scottish Credit and Qualifications Framework Level 5.
Kahit naman nasa ibang bansa na ang dating aktor, at hindi na nga nasisilayan sa telebisyon ay hindi pa rin naman nawawala kay Spencer ang kanyang ‘passion’ sa pagsasayaw. Sa katunayan kahit nasa UK ay nagpapakitang gilas siya sa pagsasayaw, kagaya na nga lamang ng pangunahan nila ng dati niyang kasamahan sa Streetboys na si Michael Sismundo ang isang charity event na ginanap sa Milan.
Sa naturang charity event na ito ay tinuruan nila ng pagsasayaw ang halos 200 na mga bata mula sa VIP dance academy. Tunay nga naman na malayo na ang buhay ni Spencer ngayon kumpara noong siya ay nasa showbiz pa,
ngunit sa kabila nito ay nakakatuwa namang isipin na hindi pa rin nawawala sa dating aktor ang kanyang husay sa pagsasayaw at nagagawa pa nga niya itong ibahagi sa iba sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga nais matuto at maging isa ring mananayaw.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento