Sa panahon ngayon na nararanasan natin ang krisis ay maraming mga protocols ng gobyerno ang ating sinusunod, at kabilang na nga rito ay ang paglimita sa paglabas ng ating tahanan upang maiwan aasng pagkalat at pagkahawaan ng krisis.
At dahil limitado ang paglabas sa ating tahanan at talaga namang nakakatakot rin ang lumabas dahil sa lumalaganap na sakit, ay hindi na nga nagagawa ang nakagawian ng marami na mamili sa labas ng mga bagay na nais nila o kinakailangan nila.
At dito na nga pumatok pa lalo ang mga online store, dahil sa mas naging safe para sa marami ang bumili online. Tila nga ang mga online platforms ngayon ay isa mga makabagong paraan ng pagba-Buy and Sell.
Ngunit sa kabila ng magandang dulot ng pag-order online, ay may mga pagkakataon din na nakakaranas ng problema lalo na kung ang produkto na iyong binili ay sira ng iyong matanggap o di kaya naman ay mali ang ipinadala sayong produkto ng seller na iyong pinagbilhan. Isa ngang disadvantage ng opagbili online, ay ang wala kang kasiguruhan sa produkto na iyong mabibili.
Samantala, marami na nga sa atin ang nakaranas na magkaproblema sa biniling gamit online, at kabilang na nga rito ay ang ina ng netizens na si Lumines.
Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Gio ang naging kakatuwa ngunit nakakadismaya ding karanasan ng kanyang ina sa pagbili nito ng isang gamit online. Ayon sa Facebook post ni Gio, ang mommy niya ay nahumaling sa pagsa-shopping online at doon ay may nakita itong isang cabinet. At dahil sa napakamura nitong halaga na P700+ ay inorder ito ng kanyang mommy.
Nang dumating nga ang cabinet ay nadismaya ang ina ni Gio dahil halos isang dangkal lang ang laki nito. Agad namang nag-trending sa social media ang naging post ni Gio patungkol sa cute na cabinet nga na ito na nabili ng kanyang mommy, kung saan ay umani ito ng nmaraming reaksyon ng “Haha” mula sa ibang netizens.
Sa panahon ngayon, ay wala namang masama na makipagsapalaran sa pagbili online, lalo na nga kung ito ang mas mainam na paraan upang maiwasan natin ang paglabas ng ating tahanan. Ngunit kinakailangan nga na kung bibili tayo online ay siguraduhin muna natin ang pagka-lehitimo ng seller na ating pagbibilhan. Kaya naman ingat-ingat tayong lahat sa pamimili sa online.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento