Parte na ng buhay ng isang artista ang magkaroon ng kasambahay, ito ay dahil sa mga ito nila ipinagkakatiwala ang kalinisan at kaayusan ng loob ng kanilang tahanan. Ilang mga kasamabahay na rin ng artista ang nabalitaan natin na nagkaroon ng magandang samahan sa kanilang mga “boss na sikat” at ang iba pa nga sa kanila ay nabigyan ng mga ito ng magandang buhay.
Samantala, isa sa mga mabait na amo sa kanyang mga kasambahay ay ang News Anchor na si Pia GuaĆio, kung saan ay talaga namang maayos ang trato niya sa mga ito at itinuturing pa nga na anghel ng kanilang pamilya ang kanilang mga kasambahay.
Si Pia ay kilala ng publiko bilang isa sa mga magaling na anchor sa mga programa ng Kapuso Network tulad ng “24 Oras” sa Chika Minute segment. Maliban sa kanyang pagiging isang mahusay bilang isang news anchor ay natural na mabait ito.
Sa katunayan, isa sa mga kasamabahay ni Pia ang nagpatunay kung gaano kabuti ang kanyang boss, at ito nga ay ang kasambahay na si Rodalyn Oliveros
Matatandaan na ang kasamabahay ni Pia na si Rodelyn ay nakasali sa naging patimpalak noon ng Eat Bulaga na Maid in the Philippines.
At dito nga ay naibahagi ni Rodelyn ang ilang mga karanasan niya sa kanyang amo na si Pia, at kung gaano niya maututuring na swerte ang kanyang sarili dahil sa kabutihan ni Pia at ng asawa nitong si Steve.
Maging si Pia naman ay pinuri din ang pagiging maayos at mabuting kasambahay ni Rodalyn sa kanila. Ayon nga kay Pia, ay masarap magluto si Rodalyn.
Dagdag pa ni Pia, dahil nga sa husay Rodalyn sa pagluluto ay tinulungan niya ito na makapasok sa isang cooking class. Matagumpay namang natapos ni Rodalyn ang kanyang pag-aaral sa pagluluto, at mas lalo pa ngang sumarap ang mga luto nito.
Naikuwento naman ni Rodalyn, na noong unang pasok niya sa pamilya ng mag-asawang Pia at Steve ay naitalaga muna siya bilang tagapag-alaga ng bunsong anak ng mga ito na si Brooklyn. Nang makataan ng kasipagan at determinasyon ng pamilya Guanio si Rodalyn, ay ginawa na siya ng mga ito bilang all-around maid.
Malaki rin umano ang pasasalamat ni Rodalyn sa pamilya Guanio, dahil hindi lamang kasambahay ang turing ng mga ito sa kanya, kundi isang pamilya.
Dagdag pa ni Rodalyn, noon isa siyang Domestic helper sa ibang bansa, ngunit dahil sa may maayos na trabaho at mabuting amo siya ngayon ay hindi na niya kailangan pang lumayo para masustentuhan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento