Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Komedyanteng Si Jimmy Santos Sinubukan Ang Paggawa Ng Uling Kasama Ang Mga Aeta Sa Angeles Pampanga

Ang komedyanteng si Jimmy Santos ay pinasok na rin ang mundo ng vlogging, at ang kanya ngang YouTube channel ay may titulong “Jimmy Saints”. Nito nga lamang nakaraan sa kanyang ini-upload na latest vlog, ay ipinakita niya ang naging pamamasyal niya sa Clark Sun Valley.




Sa kanyang naging pamamasyal sa nasabing lugar, ay ipinakita ng komedyante ang taglay nitong magandang tanawin at malawak na lugar, habang sinasabayan pa nga niya ito ng pagkanta na siya nan gang naging background music ng kanyang vlog na ito.

Image Credit via YouTube

Ayon kay Jimmy ang naturang lugar ay dating bundok kaya naman mataas ito at maraming mga punong-kahoy ang makikita rito. Dagdag pa niya, sa lugar na ito rin nagtatanim ang mga taga-Sapang Bato, lalo na nga ang mga katutubo at ang mga inaani nilang pananim dito ay ibinebenta naman nila sa palengke.

Image Credit via YouTube

Isang residente naman ng Sapang Bato ang nakapanayam ni Jimmy, at sa pag-iikot pa niya ay napunta siya sa Barangay Hall kung saan ay kanyang naka-kuwentuhan ang kapitan. Kinamusta ni Jimmy sa Kapitan ang mga pamumuhay ng tao sa lugar, nabanggit nga sa kanya ng Kapitan na isa sa mga naging pagbabago sa kanilang lugar ay ang naging pagtuyo ng tubig sa kanilang sapa.

Image Credit via YouTube

Naitanong naman ni Jimmy, kung saan ang pagawaan ng uling sa lugar, at ng ito nga ay kanya ng nalaman ay agad niyang tinungo ito at nagpaturo siya sa mga mangagagwa roon kung paano ang paggawa ng uling.

Image Credit via YouTube

Naibahagi na rin ni Jimmy sa kanyang vlog kung paano nga ang gumawa ng uling, at ito nga ay may titulong “Jimmy Santos Pinasok na Rin ang Paggawa ng Uling.” Sa vlog niya naman na ito ay kanyang ipinakita ang bawat proseso ng paggawa ng uling.

Video Credit: Jimmy Santos/YouTube

Makikita naman na ang mga manggagawa sa ulingan ay talaga namang sanay na sanay na sa kanilang ginagawa, ito nga ay dahil na rin ito ay araw-araw nilanng ginagawa at marami ang bumibili sa kanila. Habang tumutulong sa mga manggagawa sa ulingan ay nakikipagkuwentuhan si Jimmy sa mga ito.




Sa naturang vlog rin na ito ng komedyante ay kanyang ipinakita kung paano nagtutulungan ang mga katutubo sa kanilang pinagkakakitaang kabuhayan.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento