Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Mga Netizens Naantig Sa Isang Tatay Na Sa Kabila Ng Pagiging Paralisado Ay Nagagawa Pa Ring Maghanapbuhay

Isang netizens ang nagbahagi ng nakakaantig na kuwento ni Tatay George na mula sa Toaong, Quezon. Ibinahagi ng netizens ang larawan kung saan ay makikita si Tatay George na nagsisikap na matustusan ang kanyang pamilya sa kabila ng kanyang kapansanan, kung saan ay nagtitinda nga siya ng gulay na hindi alintana ang hirap ng kanyang kalagayan,




idagdag pa na sakay niya sa kanyang tricycle ang kanyang anak habang naglalako ng gulay.Ayon sa ulat, bata pa lamang si Tatay George ay nakaranas na siya ng maraming paghihirap sa kanyang buhay,

Image Credit via Google

una na nga sa mga ito ay ng iwan siya ng kanyang ina sa bangka nung bata pa siya. Mabuti na nga lamang at agad na nakita ng kanyang Lolo at Lola ang ginawa ng kanyang ina, kaya naman ang mga ito ang kumupkop at nag-aruga sa kanya.

Image Credit via Google

Hanggang mag 8-taong gulang laman si Tatay George nanatili sa poder ng kanyang Lolo at Lola, dahil sa binawi siya ng kanyang ama sa mga ito. Hindi naman naging maayos ang samahan nila ng kanyang ama, dahil sa murang edad nga niya ay pinagtrabaho na siya nito, at kung hindi naman siya magtrabaho ay makakatikim siya ng bugbog sa ama.

Image Credit via Google

Ang kapansanan ngayon ni Tatay George ay nagsimula lamang noong magka-lagnat siya nun kung saan ay unti-unti nga itong humantong sa pagiging paralisado ng kanyang mga binti.

Sa kabila naman nito ay pinilit pa rin ni Tatay George na magsumikap sa kanyang pag-aaral, ngunit ng siya ay makapagtapos na ng elementarya ay pinalayas naman siya ng kanyang ama sa tahanan nito.

Mabuti na nga lamang at may mga nakilala si Tatay George na mga tao na mabubuti ang puso, at tinulungan siya sa kinahaharap niya sa buhay. Isa nga sa mga taong may mabuting puso na tumulong sa kanya, ay binigyan siya ng tricycle upang may magamit umano siya para kumita ng pera.




Hanggang sa kasalukuyan nga ay gamit ni Tatay George ang tricycle na ibinigay sa kanya, kung saan ito nga ang kanyang sinasakyan sa paglalako ng gulay kasama ang kanyang anak.

Isa namang inspirasyon si Tatay George, lalo pa’t sa kabila ng kanyang kapansanan ay nakakaya niyang maghanapbuhay ng marangal upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento