Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Pagiging Iskolar Sa 4P’s Noon Isa Ng Ganap Na Engineer Ngayon

Tunay nga naman na napakahalaga ng edukasyon sa bawat isa, kaya naman para sa mga kapos sa buhay at hindi matustusan ang kanilang pag-aaral ay malaking tulong ang mapabilang bilang isang iskolar.




Samantala, kamakailan nga lamang ay isang iskolar ng 4P’s o Pantawid Pamilya Pilipino Program ang nagpakita ng kanyang determinasyon at pagpupursige na makamit ang kanyang pangarap sa buhay, at kung gaano naging malaking tulong sa kanya ang pagiging isang iskolar.

Image Credit via Google

Si Marvin ay ang iskolar ng 4P’s na ikinuwento sa PEP, kung paano niya natupad ang kanyang pangarap na maging matagumpay sa buhay.

Image Credit via Google

Ayon nga sa kanya ang kanilang pamilya ay kabilang sa programa ng gobyerno na 4P’s, ito ay dahil sa talaga namang napakahirap ng buhay nila na masasabi ngang isag kahig isang tuka lamang. ang ikinabubuhay lamang ng kanyang pamilya ay ang pagsasaka at pagkokopra na batid natin na talaga namang hindi sasapat ang kikitain para sa pang-araw araw ng isang pamilya.

Image Credit via Google

Paglalahad ni Marvin, dahil sa kahirapan ng kanilang buhay ay madalas na hindi sila nakakain ng tatlong beses sa isang araw, lalo na nga kung may kalamidad na nakakapanalasa ng kanilang pananim o di kaya naman kapag matumal ang kanilang naani.

Image Credit via Google

Kuwento pa niya siya ang unang nakatuntong sa kolehiyo sa kanilang magkakapatid sa tulong nga ng programang 4P’s, kaya naman hindi niya pinalampas ang pagkakataon na ito sa kanyang buhay. Taong 2015 ng siya ay kumuha ng kursong Civil Engineer sa Bicol University.

Image Credit via Google

Limang taon ang naging pag-aaral ni Marvin sa kursong kanyang kinuha, at sa mahabang taon na iyon ay talaga namang marami siyang naging pagsasakripisyo at naging pagod para lamang makapagtapos ng pag-aaral.

Agad na sinubok ang kanyang katatagan sa pag-aaral ng unang taon pa lamang niya sa kolehiyo ay pumanaw ang kanyang ama, at sa kabila ng kanyang kalungkutan ay mas lalo pa siyang naging determinado na pagsikapan na makatapos ng kolehiyo.

Upang makapagdagdag sa iba pang gastusin ay nagtrabaho din si Marvin noong summer vacation niya bago siya tumuntong sa ikalimang taon niya sa kolehiyo, kung saan ay pumasok nga siya bilang isang construction worker.

Naranasan din umano niya ang maging laborer, para makatulong sa kanyang pamilya, dahil sa tuwing wala namang klase ay nahihinto rin ang kanilang allowance. Saad pa niya, sa loob ng limang taon,

ay hindi na rin niya mabilang kung ilang beses siyang lumuha dahil sa nararanasang kahirapan, ngunit dahil inspirasyon niya ang kanyang pamilya, ay nagpatuloy siya at hind inga sumuko sa bawat hamon na kanyang kinakaharap.

Sa ngayon nga ay nagbunga na ang lahat ng naging pagod at luha ni Marvin, dahil matagumpay na niyang natapos ang kolehiyo at isa na rin siyang ganap na inhenyero. Masaya siya dahil alam niya na mas makakatulong na siya sa kanyang pamilya ngayon.




Malaki ang pasasalamat ni Marvin sa programa ng gobyerno na 4P’s at sa lahat ng tao na nagbabayad ng kani-kanilang buwis dahil ang mga ito umano ang dahilan kung bakit nabigyan siya ng pagkakataon na matupad ang pangarap niya.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento