Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Ejay Falcon Inalala Ang Panahon Na Hirap Sa Buhay Kung Saan Naranasan Maging Isang Kargador Sa Kanilang Probinsya

Si Ejay Falcon ay isa sa mga matatagumpay na aktor ngayon sa industriya ng showbiz. Ngunit alam niyo ba na bago pa makamit ni Ejay ang magandang buhay na tinatamasa niya ngayon, ay naranasan niya ang mahirap na buhay sa kanilang probinsya sa Mindoro.




Kamakailan lamang sa Facebook post ng aktor, ay muli niyang inalala ang buhay niya noong wala pa siya sa mundo ng showbiz at hindi pa nga siya isang aktor. Ayon kay Ejay, dahil sa kahirapan ng buhay nila noon ay naranasan niya umano ang maging isang kargador.

Image Credit via Google

Makikita sa Facebook post ni Ejay ang naging pagbabahagi niya ang tila pagbabalik-tanaw nga niya sa naging buhay niya noon sa Mindoro, mga 15-taon na umano ang nakalilipas.
“Mapagpalang Araw po mga Kakampi-Kababayan Share ko lang po . 15 years ago, isa akong ordinaryong binata sa Mindoro na rumaraket bilang kargador para makatulong sa pamilya at pambaon sa School.”

Image Credit via Google

Ibinahagi ni Ejay, na talaga namang napakahirap ng trabaho bilang isang kargador, dahil sa sako-sakong mga kopra ang binubuhat nila. Kasama umano niya noon sa pagiging kargador ang ilan sa kanyang mga kaibigan na dumidiskarte din tulad niya upang kumita ng pera pang tulong sa pamilya.

Image Credit via Google

Naibahagi rin ng aktor na ang pangunahing ikinabubuhay ng kanyang mga kababayan sa kanilang lugar sa Bacawan Pola, Oriental Mindoro ay ang pag-kokopra.

Image Credit via Google

Ayon kay Ejay, tunay namang nakakatuwang balikan ang mga alaala nung kanyang kabataan, dahil nakikita niya kung gaano naging malaki ang pagbabago niya, hindi lang sa pisikal niyang anyo, o sa estado ng kanyang buhay kundi maging sa kanyang buong pagkatao.

“Nakakatuwa pag nakikita ko ang mga pictures ko noon dahil hindi lang pisikal na anyo ang nagbago sakin kundi pati buhay at pagkatao ko. Isa itong paalala kung gaano ako kablessed sa buhay dahil sobra sobra pa sa pinangarap ko ang pinagkaloob sa akin.

Kaya kahit papano sa abot ng aking makakaya ay pinagsisikapan ko. Na tumulong mabless din ang ibang tao sa aking sariling pamamaraan.” Samantala, tila naman plano ng pasukin ni Ejay ang mundo ng pulitika, dahil kamakailan nga lamang ay tila may naging pagpapahiwatig ang aktor sa kung ano ang magiging plano niya ngayong darating na eleksyon.




“Iyong sigaw at excitement ninyo, sana po madala natin ‘yan pagdating ng tamang panahon. Ang suporta ninyo. Kayo pong lahat dito, sana po suportahan niyo kami. Kaya po kami nandito ngayon, nagkakaisa, at nagpapakilala po sa inyo”, ang maririnig na saad niya sa isang video.

Dagdag pa niya, “Ako po si Ejay Falcon. Kahit po hindi niyo ako tingnan bilang artista. Tingnan niyo ho ako bilang kababayan niyong Mindoreňo na gustong maglingkod sa inyo.”


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento