Agaw-pansin ngayon sa Baguio ang isang napakaliit na 2-storey house o kung tawagin nga ay ‘tiny house’, ito ay dahil maliban sa magandang disenyo nito sa labas, ay nakaka-bilib din ang loob nito.
Hindi kasi aakalain na ang bahay na may 5.5 na sqm. na kabuuang sukat ay kumpleto ang pasilidad nito sa loob na tulad nga ng isang normal na laki ng bahay
Ang tiny house na ito na kasing laki nga lamang ng isang tipikal na kwarto ay ginawa ng madiskarteng tatay na si Tonton Papa Tan.
Sa liit nga nito ay nagmistula itong isang miniature lamang ng isang tunay na bahay.
Sa kabila naman ng pagiging maliit nito, ay kinaaliwan nga ito ng marami dahil ito ay isang complete at liveable tiny house.
Hindi naman dapat ismolin ang tiny house na gawa ni Tonton kahit na maliit ito, sapagkat tulad nga ng isang normal na laki ng bahay, ay mayroon itong kumpletong pasilidad, kung saan ito ay mayroong sala, kusina, dining area, cr at silid na maaring tulugan.
Nakakabilib din dahil sa liit nito, ay kaya umano nitong mag-accommodate ng limang katao, sapagkat kasya ang limang tao sa ibaba nito at apat naman ang maari sa taas.
Nang makapanayam si Tonton ng State of the Nation, ay ibinahagi ng madiskarteng tatay, kung saan nga niya nakuha ang ideya ng ganitong uri ng tiny house.
Ayon kay Tonton, isa sa kanyang naging inspirasyon ay ang konsepto ng tiny house living o downsizing, kung saan ito ay isang kilusan na niyayakap ng isang tao ang simpleng pamumuhay sa pamamagitan nga ng pag-downsize ng kanyang tinitirhan maging ng kagamitan.
Dagdag pa niya, ang tiny house ay swak na swak para sa mga taong nagnanais na magkaroon ng sariling bahay ngunit kapos sa budget para makapagpatayo ng malaking bahay.
Ibinahagi rin ni Tonton, na kaya niya ginawa ang tiny house na tinawag nga niyang “The Tank House” ay para sa kanyang mga anak, para ngayong panahon ng pandemy@ na hindi masyadong makapasyal sa labas ang mga ito ay may mapagkakaabalahan at paglilibangan pa rin sila.
Hindi naman inakala ni Tonton, na sa halagang P200,000 ay makapagpapatayo siya ng isang dalawang palapag na bahay, na kahit maliit ay kasya naman silang pamilya.
Dahil nga sa nagawang ito ng madiskarteng ama na si Tonton,
ay marami ang nabigyan ng pag-asa na nangangarap na magkaroon ng kanilang sariling bahay, na kahit sa hindi kalakihang halaga ay maari silang magpundar ng tahanan na para sa kanilang pamilya.
Para naman sa mga gustong ma-experience ang manirahan sa ‘tiny house’ ay masayang ibinahagi ni Tonton na bukas sa publiko ang “The Tank House.”
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento