Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

JM de Guzman at Ejay Falcon Ibinahagi Ang Natanggap Na “Special Awards” Mula Sa Philippine Air Force

Ilan sa ating mga hinahangaang Kapamilya actor ang pumasok sa Air Force sa panahon ng krisis sa ating bansa. At dito ay talaga namang pinatunayan nila na hindi lamang ang kanilang kagwapuhan at kahusayan sa pag-arte ang kabibiliban sa kanila, kundi maging ang pagbibigay lingkod at serbisyo rin nila sa ating bansa.




Ang dalawang Kapamilya actor na sina Ejay Falcon at JM de Guzman, ay ilan lamang sa mga artista na pinasok ang Philippine Air Force, dahil sa kanilang pagnanais na makapagbigay serbisyo sa ating bansa sa panahon ng krisis.

Photo Credit: ejaythefalcon/Instagram

Samantala, noon ngang ika-30 ng Setyembre ay proud na ibinahagi ni JM de Guzman sa kanyang Instagram account ang ‘’special awards” na natanggap niya mula sa Philippine Air Force. Masaya niyang ibinahagi ang ‘plaque’ na kanyang natanggap, na nagsisilbi ngang pagkilala sa naging paglahok niya at pagiging aktibo sa iba’t ibang relief operations na isinagawa ng PAF.

Photo Credit: ejaythefalcon/Instagram

Sa kanyang post ay isinaad ni JM ang nilalaman ng plaque na kanyang natanggap, ang PAR Reservist Program kung saan ay sinasabi nga rito kung gaano naging aktibo at positibo si JM bilang isang miyembro ng PAF, “created a positive impact in our society that immensely contributed to the overall accomplishment.”

Photo Credit: 1migueldeguzman/Instagram

May maikli ngunit nakakaantig naman na mensahe ang nilakip ng aktor sa pagbahagi niya ng larawan ng kanyang plaque, ilang pasasalamat niya sa natanggap niyang pagkilala sa kanya ng PAF.

Photo Credit: 1migueldeguzman/Instagram

“All Glory to God”, ang maikling mensahe ng aktor. Maliban nga kay JM ay nakatanggap rin ng ‘recognition’ mula sa PAF ang aktor na si Ejay Falcon, ito ay dahil naman sa kanyang naging partisipasyon sa mga aktibidad ng nasabing ahensya, katulad na lamang na aktibidad na isinagawa nito sa panahon ng krisis, kung saan ay tumulong nga si Ejay sa “overall accomplishment “ ng Philippine Air Force.

Photo Credit: 1migueldeguzman/Instagram

Matatandaan na noong buwan ng Nobyembre nang nakaraang taon naging PAF reservist-sergeant ang aktor na si JM de Guzman, ito nga ay ng kanyang matapos ang Basic Citizen Military Training.




Si Ejay Falcon naman ay naunang naging reservist ng PAF, dahil natapos nito ang kanyang 30-days Basic Citizen Military Training noon pang taong 2019.

Kitang-kita naman kana Ejay at JM ang kanilang kasiyahan sa natanggap nilang ‘special awards’ mula sa PAF dahil sa kanilang pagiging aktibong reservists na nagbibigay serbisyo sa ating bansa.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento