Opisyal ng miyembro ngayon ng Dabarkad’s ng programang Eat Bulaga ng GMA-7 ang isa sa mga mahuhusay na aktres at mananayaw sa industriya ng showbiz na si Maja Salvador.
Kamakailan nga lamang ay lumabas na sa programang Eat Bulaga ang aktres, kung saan ay talaga namang naging mainit ang pagtanggap sa kanya ng mga Dabarkad’s.
Tulad ng inaasahan ng lahat, ipinamalas ng mananayaw at aktres ang kanyang husay at galing sa pagsasayaw, dahil sa kabog na kabog ang naging pinaka-unang production number niya sa entablado ng Eat Bulaga.
Iba’t ibang ga dance craze ang sinayaw ni Maja, kagaya na lamang ng ‘MMMBop’, ‘Macarena’ at ‘Kick It’.
Samantala, ngayon ngang Dabarkad’s na si Maja Salvador, ay siya din ang magiging host ng pinakabagong segment ng Eat Bulaga na “DC 2021”. Sa bagong segment na ito ng nasabing programa ay ife-feature ang mga popular na klasikong sayaw noon.
Marami naman sa mga tagahanga ng aktres ang na-excite at natuwa para sa panibagong ‘journey’ niyang ito bilang isang Dabarkad’s. Ang mga tagasuporta ni Maja, ay pinakawalan pa nga ang kanilang libo-libong mga tweets na may hashtag na #MajaforEatBulaga.
Samantala sa naging pagpasok ni Maja sa longest-running noontime show sa telebisyon ay inamin niya na bata pa lamang siya ay pinapanood na niya ang Eat Bulaga. Dito na rin naibahagi ng aktres na siya ay laking Apari, isang lugar nga na nababanggit sa kanta ng nasabing programa.
“Sa mga hindi nakaka-alam, laking Aparri talaga ako. Noong ipinanganak ako, after ilang buwan, inuwi ako sa Aparri ng nanay ko. Tapos doon namulat ang aking mga mata sa Eat Bulaga,” kuwento ni Maja.
Dagdag pa niya, “Ang sarap sa pakiramdam kapag ‘yung umpisang kanta ng Eat Bulaga, ‘mula Aparri …’ Siyempre proud na taga-Aparri.”
Naibahagi rin ni Maja, na nahumaling at inidolo rin niya noong kanyang kabataan ang isa sa mga sikat na male dance group noong dekada 90 na “Streetboy.”
Kuwento pa ng aktres, noon ay isa rin siya sa mga batang nangarap na sumali sa kids pageant show ng Eat Bulaga na “Little Miss Philippines”, eh dahil nga sa wala silang budget noon, ay pabiro na lamang na sinabi ng aktres, na naging “Miss Abulog” na lamang siya.
Pag-amin din ni Maja, ang pagiging isa niyang Dabarkad’s ay regalo niya sa kanyang ina, sapagkat matagal na nitong nami-miss na makita siyang sumayaw sa entablado. Kaarawan nga ng ina ni Maja, ng mismong araw na pumasok siya sa Eat Bulaga.
“Ito na ‘yung regalo ko sa’yo ha. Sabi niya kasi, ‘nami-miss na kita makitang sumayaw.’’
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento