Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Mga Netizens Hanga Sa Naging Determinasyon at Kasipagan Ng Isang Babaeng Naging Matagumpay At Umasenso Sa Buhay Dahil Sa Negosyong Ukay-Ukay

Isang babae nakamit ang pangarap na asenso sa buhay dahil sa kanyang kasipagan at naging tiyaga na palaguin ang kanyang negosyong ukay-ukay. Sa panahon ngayon ay marami na nga ang nahuhumaling sa pagbili ng mga ukay-ukay, ito ay dahil sa mura na, ay dekalidad pa ang mga damit na mabibili dito.




Dahil sa talagang naging patok sa mga mamimili ang mga ukay na damit, ay marami ang sumubok na pasukin ang negosyong ito. Hindi lahat ay nagtagumpay sa pagpasok sa negosyong ukay-ukay, ngunit si Rachel Lucaňas ay matagumpay na napalago ang kanyang ukay-ukay business at ito nga ay dahil sa kanyang naging pagtiyatiyaga at pananalig sa kanyang sarili.

Image Credit via Google

Pinatunayan ni Rachel na sa pagnenegosyo ay mamakit mo ang tagumpay kung ito’y hindi mo susukuan. Ayon nga sa kanya, kagaya ng iba ay dumaan rin siya sa pagkakaroon ng matumal na benta sa ukay,, ngunit hindi pa rin niya ito tinigilan hanggang ang kanya ngang negosyong ukay-ukay ay tuluyan niyang mapalago.

Image Credit via Google

Samantala, ayon kay Rachel unang pasok pa lamang niya sa negosyong ukay-ukay ay marami na agad ang kumuwestyon sa kanyang desisyon, sapagkat ang kursong natapos niya sa kolehiyo ay hindi patungkol sa pagnenegosyo. Siya kasi ay nakapagtapos ng kursong Bachelor of Elementary Education.

Image Credit via Google

Dahil nga sa napakalayo ng kursong kanyang natapos sa pagnenegosyo ng ukay, ay aminado si Rachel na nung una ay marami ang nagduda sa abilidad niyang magpatakbo ng negosyo.

Image Credit via Google

Pag-amin niya pa, talaga namang nakakakaba ang pumasok sa negosyong ukay-ukay, lalo na’t sa panahon ngayon ay marami kanyang kakumpetensya dahil sa dami na rin ng mga pinapasok ang negosyong ito dahil sa krisis na nararanasan natin ngayon.

Image Credit via Google

Sa kabila naman ng maraming kakumpetensya sa negosyong ukay-ukay ay hindi naman pinanghinaan ng loon si Rachel. Siya ay nagsimula sa negosyong ukay sa isang bultong damit na ukay lamang , kung saan ito nga ay kanyang ibenenta online.

Dahil talagang pursigido siya na mapalago ang kanyang negosyo, ay maging ang pagmo-model ng mismong paninda niya ay kanyang ginawa, dahil mas nabebenta nga naman online ang mga damit kung nakikita ng ‘viewers’ ang tamang fitting nito.

Dahil nga sa kanyang naging determinasyon at kasipagan na mapalago ang kanyang negosyo, hindi nagtagal ay nagbunga na ang lahat ng kanyang naging pagsisipag. Sapagkat ang negosyo niyang ukay-ukay ay lumago kaya naman nakapagpatayo na siya ng kanyang sariling warehouse, at nakabili na rin ng van na gagamitin na pang-deliver.

Kahit naman asensado na sa kanyang buhay si Rachel ay hindi naman niya nakalimutan ang kanyang pamilya na naging sandigan niya noon pa man. Dahil sa naging pag-asenso niya, ay napaayos na na nga niya ang tahanan nila.




Hinangaan nga ng marami ang naging tagumpay ni Rachel sa negosong ukay-ukay, lalo na ng mapag-alaman nila na nagsimula lamang ito sa isang bulto noon, at ngayon nga ay sandamakmak na bulto na ng ukay ang itinitinda nito.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento