Nang lumaganap sa ating bansa ang krisis, ay marami ang naapektuhan nito. Marami tayong mga kababayan na nawalan ng hanapbuhay, at hindi nakaligtas dito ang ilang mga artista sa industriya ng showbiz.
Kabilang ang aktres na si Loisa Andalio sa mga aktres na nawalan ng trabaho dahil sa krisis, at kamakailan nga lamang ng makapanayam siya, ay ibinahagi niya kung gaano siya nahirapan ng mawalan siya ng proyekto lalo na nga’t breadwinner siya ng kanilang pamilya.
Hindi napigilan kamakailan lamang ni Loisa na maging emosyonal ng ibinabahagi niya kung gaano kahirap maging isang breadwinner ng pamilya.
Sa naging paglalahad nga ng aktres, ay hindi niya napigilan ang maging emosyonal. Ngunit ayon kay Loisa, hangga’t kaya niya, ay ayaw niyang ipakita sa kanyang pamilya ang kanyang nararamdamang takot at pag-aalala sa kabila ng wala pa rin siyang regular na trabaho sa ABS-CBN network.
Ibinagi nga ito ni Loisa ng siya ay maging panauhin sa programang Magandang Buhay.
“Pinaka-challenge talaga yung walang work. Bilang breadwinner, di ba, mahirap. Ikaw ‘yung inaasahan ng family mo”, ang naging pagbabahagi ng aktres.
Pag-lalahad pa ni Loisa, “Kasi, kumbaga, ikaw yung may pinaka-okay na trabaho oon, e. Tappos biglang wala… “ Dagdag pa niya, “Tapos sila (mga kapatid) din naman, yung sinusuweldo ng mga kuya ko, taa lang naman sa mga anak din nila. so, mahirap, sobrang hirap.”
Ayon kay Loisa, sa mga panahong ito, ay ang boyfriend niyang si Ronnie Alonte ang kanyang napagsasabihan ng problema niya, kung saan ay madalas nga nilang pinag-uusapan ang sitwasyon nila sa panahon na wala silang proyekto.
“Napag-usapan namin yung sitwasyon. Yung parang, ‘Hindi talaga natin alam, ‘no? Hirap. Mahirap din kasi sa family, kumbaga, kami yung parang strength, edukasyon, pagkain, lahat”, pahayag pa ni Loisa.
Saad pa niya, ayaw nila na nag-aalala ang kanilang pamilya, at ayaw nilang makaramdam ang mga ito ng takot sa panahon nga na krisis at apektado ang kanilang trabaho at dito na nga tuluyang naging emosyonal si Loisa.
Sa kabila naman nito, ay mas inisip na lamang umano ni Loisa na masuwerte pa rin siya at ang kanyang pamilya kumpara sa ibang mas nahihirapan. Dahil sila nagagawa pa nilang makakain ng tatlong beses isang araw, at mayroon silang maayos na tirahan.
Ipinagpasalamat din umano ni Loisa, ang pagiging malayo sa sakit ng kanyang buong pamilya.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento