Sino nga ba naman ang hindi makakakilala sa 45-taong gulang na komedyanteng si Jose Marie Borja Viceral o mas kilala sa publiko bilang si Vice Ganda. Hindi lang kilala si Vice Ganda bilang isang magaling na komedyante, dahil isa rin siyang kilalang aktor, mang-aawit at host sa telebisyon. Siya ay regular na napapanood sa ABS-CBN variety show na ‘It’s Showtime’ na kung saan ay talagang inaabangan siya ng maraming mga manonood dahil sa kanyang mga pagpapatawa na naghahatid ng good vibes sa mga ito.
Nitong nakaraan ay nagbigay ng kaaliwan naman ang komedyante/host sa kanyang mga tagahanga at mga netizens ng ipasilip niya sa publiko ang kanyang “customized van.” Hindi nga naman napigilan ng ilan ang mapa Wow! at mamangha dahil sa ganda ng sasakyan na ito ni Vice.
Nakamamangha nga naman ang pagkakaroon nito ng adjustable captain chairs na talaga namang magiging komportable ka kung mahabang byahe ang pag-uusapan at talagang swak na sakyan ang “customized van”na ito ni vice dahil sa napakagandang interior nito na kung ihahambing nga ng mga netizens ay mala-hotel ang disenyo. Makikita rin sa loob ito na may sariling vanity area ang sikat na host/comedian, mayroon itong salamin at mga kagamitan na ginagamit ni Vice sa tuwing siya ay nagreretouch.
Hindi nga lamang mga special features ang mayroon sa napakagandang sasakyang ito ni Vice Ganda, sapagkat mayroon ding malaking couch bed rito na kung saan ay komportable siyang makakapagpahinga sa tuwing nasa gitna siya ng mga shows o kaya naman ay tapings.
Talaga nga naman na nagsisilbing pangalawang tahanan na ng mga artista ang kanilang mga sasakyan dahil sa kanilang pagiging busy sa trabaho katulad ng mga shootings at shows na kung minsan ay talagang hindi na nila nagagwang maka-uwi ng naayon sa oras at makapagpahinga sa kanilang sariling tahanan.
Deserve nga naman talaga ni Vice na magkaroon ng ganito kagandang “customized van” dahil mula naman ito sa kanyang pagtatrabaho at pagsusumikap. Tunay nga naman na kung ikaw ay magsusumikap sa iyong buhay ay hindi magiging imposible na makamit mo ang mga bagay na iyong pinapangarap.
At kung ang bawat biyayang iyong natatanggap ay patuloy mong ipagpapasalamat sa Poong Maykapal at marunong magbahagi o magbigay ng tulong sa mga taong higit na nangangailangan talaga nga namang bubuhos ang biyaya at pagpapala sa iyong buhay at pamilya.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento