Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Tanda Niyo Pa Ba Ang Iconic Kontrabida Ng Dekada 70 Na Si Ruel Vernal Ito Na Pala Ang Buhay Ngayon Sa Amerika

Hindi magkakaroon ng ganda ang isang teleserye o pelikula kung walang gaganap na kontrabida, o ang taong laging humahadlang sa bida sa kanyang mga plano. Ang mga ganitong pelikula na may kontrabidang hadlang ay karaniwang napapanood natin sa mga Filipino Films lalo na kung ito ay isang action movie.




Isa sa mga kilala at sikat na aktor noong 1970’s hanggang 1990’s si Ruel Vernal, na mas naging kilala pa lalo dahil sa kanyang galing sa pagiging isang kontrabida sa mga pelikula.
Dahil na rin sa kanyang angking galing sa pag-arte at paganap sa kanyang mga kontrabida roles, talaga namang kinatakutan siya noon ng mga bidang karakter na mga leading ladies at leading men.

Image Credit via Google

Sino nga ba naman kasi ang magkakaroon ng lakas ng loob at hindi makakaramdam ng takot kung ang iyong makakaharap ay isang matangkad na tao na may malaking pangangatawan at nagtataglay ng malalim na boses? Noon kasi ang mga ganitong katangian ng isang tao o artista tinataglay ng mga kontrabida sa mga pelikula.

Image Credit via Google

Noong kanyang panahon ay marami-rami rin ang mga pelikula na kung saan ay lumabas o napanood sa telebisyon o big screen si Ruel Vernal. Ilan sa mga pelikulang ito ay ang “Kapag Buhay ang Inutang”, “Kapitan Pablo”, at ‘Hindi pa tapos ang Laban.”
Sapagkat nagtataglay ng angking galing sa pagiging kontrabida sa mga pelikula, ay nakatrabaho niya ang ilan sa mga sikat na aktor noon na katulad nina Da King Fernando Poe Jr., Ramon Revilla Sr., at Lito Lapid.

Image Credit via Google

At dahil sa kanyang ipinakitang kahusayan bilang kontrabida sa ilang pelikula na kanyang kinabilangan ay nakapag-uwi rin siya ng iba’t-ibang parangal. Isa sa mga parangal na kanyang natanggap ay ng tanghalin siyang Best Supporting Actor ng Metro Manila Film para sa pelikulang “Insiang” noong 1976. Iginawad naman ng Gawad Urian kay Ruel ang Best Supporting Actor sa nasabing pelikula.

Image Credit via Google

Hindi nga lang nakilala si Ruel bilang isang artista o kontrabida noon, dahil kilala rin siya bilang kauna-unahang modelo ng isa sa mga sikat na inumin ngayon na Red Horse mula taong 1982 hanggang 1983.

Image Credit via Google

Huling nakita at lumabas sa telebisyon si Ruel noong taong 2003 sa pelikulang “Dayo”.
Ngunit nasaan na nga ba si Ruel ngayon? Marami ang nagtatanong kung nasaan na nga ang isa sa mga hinangaan na kontrabida noon.




Ayon sa ilang source, ang dating aktor na si Ruel Vernal ay masayang namumuhay ngayon sa Washington D.C. bilang isang private citizen at dito ay kasama a
niya ang kanyang buong pamilya.

Makikita naman sa post ng anak ni Ruel na si Kevin Vernal, na sa kabila ng pagiging 73-taong gulang ng dating aktor ay nananatili pa rin rito ang ‘action movie star looks” nito hanggang ngayon at nagagawa pa nito ang mag-GYM.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento