Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Tingnan Ang Mga Larawan Ni Gloria Romero Noong Kanyang Panahon Ng Kabataan

Ipinanganak noong Disyembre 13 taong 1933 sa Denver, Colorado sa United States si Gloria Gella o mas kilala natin bilang isa sa mga batikang aktres na si Gloria Romero. Anim na Dekada o 62-taon ng namamayagpag ang kanyang karera sa induatriya ng showbiz, at sa tagal nito ay talaga namang ipinakita niya ang kanyang husay at dedikasyon bilang isang artista.




Ang ina ni Gloria Romero ay isang Amerikana na si Marry Borego samantalang isang Pinoy naman mula sa Pangasinan ang kanyang ama na si Pedro Galla. Sa bansang Amerika man isinilang si Gloria, dito naman siya pinalaki at pinag-aral ng kanyang mga magulang sa Pilipinas. Sa bayan ng Pangasinan nakatira noon ang pamilya ng beteranang aktres at dito din siya nagtapos ng kanyang elementarya at highschool.

Image Credit via Google

Sa kanyang kabataan ay marami na ang nakakapansin sa angking ganda na taglay ni Gloria, kaya’t hindi maiiwasan na marami ang nagsasabi sa kanya noon na maaari siyang maging isang modelo o artista.

Image Credit via Google

Sa edad na 19-taong gulang ng unang sumabak bilang extra sa isang pelikula noon na “Ang Bahay sa Lumang Galod” sa ilalim ng Premiere Productions. Lumipat naman siya sa Sampaguita Pictures, kung saan nagtatrabaho bilang Chief Editor ang kanyang tiyuhin na si Nario Rosales.

Image Credit via Google

Dito na nga pumasok ang sunod-sunod na proyekto para sa aktres na si Gloria,isa sa proyektong nakasama siya ay ang Madame X noong 1952 na kung saan ay gumanap siya bilang anak nina Alicia Vergel at Cesar Ramirez. Kasabay rin nito ay nakuha niya ang kanyang kauna-unahanh lead role sa pelikulang Monghita at binigyan dito na siya nagsimula makilala bilang si Gloria Romero.

Image Credit via Google

Dahil sa ipinamalas na angking galing at dediksayon sa pagtatrabaho bilang isang aktres, sa kanyang ikalawang taon sa industriya ay nagawaran agad siya ng parangal ng FAMAS (Filipino Academy of Motion Arts and Sciences) bilang “Best Actress” noong 1954 dahil sa naging paganap niya sa pelikulang Dalagang Ilocana.

Image Credit via Google

Sa mahigit 60 na taon nga sa industriya ng showbiz ay hindi na mabilang ang mga parangal na natanggap ng beteranang aktres. Siya din ang tinagurian noon na “Queen of All Filipino Movies” dahil halos lahat ng role bilang artista ay kanya ng nagawa.

Ang buhay pag-ibig naman ni Gloria Romero ay para ring isang kwento sa pelikula. Siya ay ikinasal noong Setyembre 24 taong 1960 sa isang sikat na aktor din noon n si Juancho Gutirrez. Sila ay ikinasal sa Santuario De San Antion sa Forbes, Makati na kung saan ay tinawag ito noon na “Wedding of the Year”.




Silang mag-asawa ay biniyayaan ng isang anak na babae na pinangalanan nilang si Maritess. Ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa ay hindi naging maayos kaya’t nauwi ito sa hiwalayan ngunit nagkasama naman silang muli ng mastroke si Juancho at tinanggao siyang muli ng aktres.

Inalagaan ni Gloria ang kanyang asawa hanggang sa sumakabilang buhay ito noong 2015.
Ngayon ay patuloy pa rin nating napapanood si Gloria Romero sa “Daig kayo ng Lola Ko” sa GMA Network na kung saan ay makikita at hahangaan pa rin sa kanya ang kanyang magandang mukha ag galing sa pag-arte kahit pa nga ba ito ay may edad na.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento