Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Silipin Ang Buhay Ngayon Ng Isa Sa Mga Dating Napakagaling Na Kontrabida Sa Balat Ng Showbiz

Dito sa ating bansa, ay maraming mga beteranong aktor ang talaga namang hinahangaan at tumatak na sa isipan ng ating mga kababayan. Ang iba nga sa kanila ay nanatili pa rin sa industriya at patuloy nating napapanood sa telebisyon, ngunit ang iba naman ay sumakabilang buhay na.




Maswerte ang kabataang ipinanganak ng 2000, dahil ilan sa mga beteranong aktor noong 70’s hanggang 90’s ay naabutan pa nila at natunghayan pa nila ang galing ng mga ito sa pag-arte. Isa na nga rito ang beteranong kontrabida actor na si Dindo Arroyo.

Image Credit via Google

Kilala bilang isang magaling na kontrabida sa mga pelikula, lalo na sa mga mala-aksyong pelikula si Dindo Rivera. Sa katunayan, ay halos nasa isang daan pelikula na ang nagawa niya.

Image Credit via Google

Ngunit paano nga ba nagsimula sa industriya ng showbiz si Dindo?
Ayon sa ulat, isang beteranong aktor rin ang nakadiskubre kay Dindo Arroyo at ito ang tumulong sa kanya na makapasok sa industriya.

Image Credit via Google

Unang nadiskubre si Dindo ng beteranong aktor na si Philip Salvador, ito ay ng magkataon na ng mangolekta siya ng renta ay mayroon palang shooting. At isa pala sa umuupa sa kanila ay staff ng Viva Films. Dito na nga siya inimbitahan ni Philip Salvador na maari siyang maging isang aktor.

Image Credit via Google

Bilang isang beteranong aktor, pinayuhan ni Philip Salvador si Dindo na mag-aral ito ng Taekwando, at magpahaba ito ng kanyang buhok.
Mula sa pagiging isang engineering student, naging assistant si Dindo ni Eddie Garcia sa pelikula nito na Ikasa Mo, Ipuputok Ko noong taong 1990.

Image Credit via Google

Sa kanyang pagsisimula nga sa industriya ng showbiz, ay kinakitaan si Dindo ng kanyang natatagong galing sa pag-arte at nagkaroon nga siya ng pagkakataon na makatrabaho ang the Magig 5 of action movies na sina Philip Salvador, Lito Lapid, Bong Revilla, Rudy Fernandez at Fernandoe Poe Jr.

Isa nga sa mga hindi makakalimutang ginawa niya ay ng tumalon siya mula sa helicopter at bumagsak sa umaandar na train dahil sa nagbacked-out ang kanyang ka-double sa stunts.
Hindi nga lamang palaging kontrabida ang nagiging role ni Dindo sa mga pelikula, dahil may isang role siya na kung saan ay gumanap siya bilang isang ama, na pinatay ang kanyang anak kaya naman talagang lumabas rin ang kanyang galing pagdating sa drama.

Ngunit kahit nga maganda ang tinatakbo ng kanyang karera bilang isang action star, nagdesisyon si Dindo Arroyo na iwanan ang showbiz upang mamuhay ng pribado at simple kasama nag kanyang pamilya.




Samantala, matapos iwan ang showbiz industry taong 2014 ay inoperahan si Dindo sa kanyang atay, ito ay matapos makita ng mga doctor na siya ay may liver cancer at ito ay nasa stage 4 na. Sa tulong ng ilang mga gamutan at pag-inom niya ng mga herbal medicine ay tuluyang nakarecover si Dindo, hanggang sa manumbalik ang kanyang lakas.

Taong 2009 naman ng yumao ang asawa ni Dindo Arryo, kaya naman ngayon ay naninirahan ito kasama ang kanyang anim na anak. Matatandaan rin na muling lumabas si Dindo sa telebisyon, ito ay ng ma-feature siya sa FPJ’s Ang Probinsyano.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento