Bilang isang kapatid ay kasiyahan natin ang bawat tagumpay na makakamtam ng ating mga kapatid. Kaya naman sino ba ang hindi magagalak sa katuwaan kung makikita mo na ang iyong pinakamamahal na kapatid ay nakamit na ang kanyang pinapangarap sa buhay at nanunumpa na sa isang propesyon na noon pa man ay kanya ng hinahangad.
Katulad na lamang ng aktres na si Mikee Quintos, na talagang very proud at lubos ang sayang nadarama dahil sa naging katuparan ng pangarap ng kapatid niya.
Sa Instagram post ng Kapuso actress ay ibinida nito ang kanyang kapatid na ngayon ay isa ng ganap na abogado.
“FIGHT ME!!! There’s a new lawyer in town.”, ang naging pabiro ngang post ng dalaga, upang ipa-alam sa lahat na ang kapatid niya ay isa ng abogada.
Kung atin ngang natatandaan, sa ginanap na Bar Exam noong taong 2019 ay isa ang kapatid ng Kapuso actress na si Louisa Marie Quintos sa mga pinalad na makapasa. At ngayon nga, ay ginanap na ang matagal na nilang inaantay na Oath Taking Ceremony, kung saan sila ay manunumpa sa kanilang propesyon.
Samantala, sa Facebook account naman ni Louisa ay makikita ang naging pasasalamat ng dalaga sa kanyang pamilya na unang-una sa mga sumuporta sa kanya sa pagtupad ng kanyang pangarap. Kalakip nga ng kanyang pasasalamat ay ang larawan ng kanyang buong pamilya.
“I am immensely grateful that I took my Oath today surrounded by the people I love the most.” Ayon naman kay Konsehal Wardee Quintos ng Sampaloc Manila, ang Oath Taking ay ginawa online, sa pamamagitan ng Zoom video conference.
Sa kabila nga ng pagkakaroon ng takot ng lahat sa atin dahil sa pagkakaroon ng krisis ngayon, ay hindi ibig sabihin nito ay hihinto na rin an gating mga gawain at pagtupad sa ating mga pangarap.
Isa ngang inspirasyon para sa marami ang naging panunumpa ng mga bagong abogado ngayon ng ating bansa, dahil sa kabila nga ng krisis at pangamba na pinagdadaanan natin ngayon ay sinasabi lamang nito na sa mga pangyayaring ganito ay hindi ibig sabihin na hihinto na tayo sa pagtupad natin sa atingmga pangarap.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento