Si Andi Manzano, o mas kilala bilang si DJ Andi 9 ng Magic 89.9, ay kinilala noong kanyang henerasyon bilang isa sa may pinakamaganda mukha at boses sa Radyo.
Mapapansin na ka-apelyido ni Andi ang ilan sa mga kilalang aktor sa showbiz, kung saan ay ang mga ito pala ay kanyang mga kamag-anak, tulad na lamang nga ng mag-amang Edu Manzano at Luis Manzano. Maging si Gary Valenciano, ay kamag-anak rin pala niya.
Ngunit kahit pa nga ba may mga kamag-anak sa showbiz, ay gumawa pa rin ng sarili niyang pangalan si Andi, at ito ay sa larangan naman ng radyo kung saan ay nakilala at naging popular siya bilang isang VJ-host.
Matapos nga ang kanyang pagdi DJ sa Magic 89.9 noon, nasaan na nga ba si Andi Manzano ngayon? Maliban nga sa pagiging isang DJ at host, ay isa na rin palang Youtube vlogger at Instagram influencer si Andi ngayon. Mayroon na ring masayang pamilya ngayon si Andi Manzano.
Sa katunayan, sa kanyang Youtube channel at Insatagram, ay proud na ibinabahagin ni Andi ang bagong niya sa buhay. At ito nga ay maging housewife sa kanyang asawa, at siyempre ang maging supportive mommy naman sa kanyang mga magagandang anak.
Ang naging asawa ni Andi, ay si GP Reyes, isang club owner, restaurateur at creative director ng Cenrury Properties. Noon ngang ika-12 ng Nobyembre taong 2013 ng magpakasal ang dalawa.
Ayon nga kay Andi, ang kanyang asawang si GP ay nakilala niya dahil sa kanyang pinsan na si Luis “Lucky’ Manzano, kung saan ay matalik na kaibigan ito ni GP. Naging magkaibigan muna umano sila ni GP sa Facebook, bago nga sila nagligawan hanggang sa nauwi na nga ang kanilang pagtitinginan sa isang engrandeng kasalan.
Isinilang naman ni Andi ang kanilang unang anak ni GP noong taong 2015, kung saan ay pinangalanan nila itong Pilar Olivia. Dahil naman sa pagiging isang cute at napakagandang baby girl ni Olivia, at siyemre sa kasikatan na rin ng kanyang mommy Andi ay agad itong naging usap-usapan sa social media.
Matatandaan nga na mas naging usap-usapan pa ang anak na ito ni Andi, ng magdiwang ito ng una nitong kaarawan sa The Palace Pool Club, isa sa pinakasikat na club sa Manila, kung saan ay ang kanyang Daddy GP ang nagmamay-ari nito.
Naging endorser rin si Baby Olivia ng ilang mga sikat na brand ng gamit pang babay, tulad na lamang ng Uniqlo at Dunlopillo. Lumabas rin si Olivia noon sa naging commercial ng Promil sa telebisyon.
Ang anak rin na ito ni Andi, ang kauna-uanahang pinakabatang naging cover girl ng Preview, isa sa mga pinakasikat na magazine. Nagkaroon rin ng ikalawang anak sina Andi at Gp, kung saan ay tulad ng panganay nilang si Olivia ay kinagigiliwan rin ito ngayon dahil sa taglay nitong kakyutan.
Si Corazon Amelia ang pangalawang anak ni Andi,ay isinilang noong January 2019, na kung saan bago ito isinilang ay matatandaan na nagtrending pa sa social media ang ginanap na gender reveal ni Andi dahil sa talagang napaka-engrande nito.
Samantala, sa nagyon ay patuloy pa rin ang career ni Andi bilag radio DJ at host, abala rin ito sa kanyang Youtube channel kung saan niya madalas ibinabahagi ang kanyang mga travel vlogs, at pati na rin ang kanyang everyday life.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento