Marami sa atin ang kinahihiligan ang pagpapa-tattoo sa katawan, ang iba ay kinakikitaan ito ng pagiging isang artistic, at ang iba naman ay nagpapa-tattoo para sa pagkakaroon ng alaala sa mga bagay na hindi nila nais makalimutan sa kanilang buhay.
Hindi nga lamang sa mga ordinaryong tao nakikita ang pagkakaroon ng tattoo sa katawan, dahil mayroon ding ilang mga kilalang artista ang kinakikitaan natin ng tattoo, at isa na nga sa mga ito ang gwapong aktor na si Jake Cuenca.
Ayon nga kay Jake, ang bawat tattoo sa kanyang katawan ay mayroong kanya-kanyang meaning o ibig sabihin, at ito nga ay ibinahagi ng aktor ng siya ay makapanayam ni Tito Boy sa Tonight with Boy Abunda.
Dito na nga nabunyag ng aktor, na ang isa pala sa kanyang mga tattoo ay ala-ala pa ng kanyang dating nobya na si Roxanne Ginoo.
Kwento ng aktor, noong sila pa ni Roxanne, ay nagpa-tattoo sila pareho, kung saan ay nangako umano sila sa isa’t isa na hindi nila ipapabura ang tattoo na iyon kahit maghiwalay na sila, at ipapatanggal lamang nila iyon kung sila ay nagsipag-asawa na.
Sa ngayon, ay binata pa rin nga ang aktor na si Jake Cuenca, kaya marahil ay makikita pa rin sa kanyang katawan ang tattoo na ala-ala niya sa dating nobyang si Roxanne.
Samantala, batid naman ng marami sa atin na si Roxnne Ginoo ngayon ay happily-married na sa kanyang asawa at mayroon na rin itong mga anak, kaya marahil ay pinabura na ng aktres ang tattoo na kapareho ng kany Jake Cuenca.
Ayon pa nga kay Jake, ay mayroon siyang 23 na mga tattoos kanyang katawan, kung saan ang iba pa nga sa mga ito ay sa ibang bansa pa niya pinagawa.
Ibinagi rin ng aktor, na ilan sa kanyang mga tattoo ay ipinapagawa niya, kapag mayroon siyang isang proyekto na talaga namang ayaw niyang makalimutan.
Mapapansin nga sa mga larawan ng aktor, na ang kanyang mga tattoo ay madalas niyang ipinapalagay sa kanyang braso o di kaya naman ay sa kanyang hita.
Ano naman ang masasabi niyo sa naging pagbubunyag na ito ni Jake, tungkol sa kanilang tattoo?
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento