Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Kilalanin Ang Agaw-Pansin Ngayon Na Kapatid Ni Lovi Poe Dahil Sa Taglay Nitong Ganda

Napukaw ang atensiyon ng mga netizens ng nakababatang kapatid ni Lovie Poe, na si Yela Tung, ito ay matapos lumabas sa social media ang mga larawan ng dalaga na nagpapakita ng natural nitong ganda at taglay na karisma.




Si Lovie Poe, ay isa sa mga hinahangaang aktres sa industriya ng showbiz, ito ay dahil sa angking galing niya sa pag-arte. Maliban pa sa pagiging isang magaling na aktres, ay itinituring rin si Lovie Poe, na isa sa may pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz.

Photo Credit: yeliee/Instagram

Kilala rin si Lovie, bilang anak ng yumaong “The King “ Fernandoe Poe Jr.,. kaya naman hindi na talaga kataka-taka na pang artistahin talaga ang angking hitsura niya.

Photo Credit: yeliee/Instagram

Hindi nga lamang si Lovie Poe ang nagpatunay na nasa dugo na talaga ng nga ‘Poe’ ang pagiging maganda, dahil maging ang nakababatang kapatid nito, na si Mariel Tung o mas kilala sa kanyang social media account na si Yela Tung, ay ipinakita rin ang taglay nitong ganda.

Photo Credit: yeliee/Instagram

Sa kabila ng pagiging isang mommy na ni Yela sa kanyang anak na si Franckie , ay hindi pa rin maikakaila na napakaganda pa rin nito, at tila walang anak dahil sa taglay na hubog pa rin ng katawan nito na talaga namang seksing seksi pa rin.

Photo Credit: yeliee/Instagram

Ilan naman sa mga hilig gawin ni Yela ay ang pagbabad sa beach, katulad ni Lovie. Mahilig rin siya sa pag-aalaga ng aso. Mapapansin rin ang pagkahililg ng dalaga sa pagsusuot ng swimwear kapag siya ay nasa beach, kung saan ay nagpapakita pa lalo ng kanyang kaseksihan at maging ng ilang mga tattoo niya sa kanyang katawan.

Photo Credit: yeliee/Instagram

Marami nga ang ngasasabi na, sa taglay nitong ganda at alindog ay maaari nitong sabayan ang kanyang nakatatandang kapatid na si Lovie sa pag-aartista, ngunit tila wala naman sa plano ni Yela ang pumasok sa showbiz.

Photo Credit: yeliee/Instagram

Makikita naman sa mga larawan nina Yela at Lovie sa kanilang mga Instagram account ang pagiging malapit nila sa isa’t isa, kung saan ay talagang masasabi natin na hindi lang sila magkapatid kundi magbestfriend pa.




Ayon naman sa Instagram page ni Yela, ay tumutulong ito sa pagsulong ng awareness on mental health, cancer at educational rights. Ano ang masasabi niyo kay Yela Tung? Tunay nga ba na na dugo ng lahi nila ang pang-artistahin looks?


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento