Natatandaan niyo pa ba si Alec Dungo? Isa sa mga naging housemate’s noon ng “Pinoy Big Brother: Teen Edition 4, at naitinanghaal bilang 6th placer ng programa.
Ang kambal na sina Joj and Jai, Roy, Karen at ang itinanghanghal na Big Winner ng kanilang batch na si Myrtle Sarosa, ang ilan sa kanyang mga nakasama sa loob ng PBB house.
Kung ating natatandaan, bago pa man pumasok sa PBB si Alec at makilala bilang isa sa mga housemates nito ay minsan na pala siyang lumabas sa telebisyon noon at ito ay noong taong 1991 kung saan ay naging bahagi siya ng isa sa mga episodes ng “Maalaala Mo kaya”. Naging bahagi din siya ng pelikulang “Just The Way You Are”, noong taong 2015.
Halos pitong-taon na rin ang lumipas ng maging bahagi ang binata ng Pinoy Big Brother, at sa paglipas ng ilang mga taon ay may panibagong milestone na pala itong tinatahak ngayon at ito ay ang naging pagtupad niya sa kanyang pangarap noon pa mang siya ay bata pa.
Matapos nga ang nangyaring pagka-evict sa PBB ni Alec Dungo sa kanilang ika-83 araw sa loob ng Bahay ni Kuya ay tila umayon naman ang lahat sa binata dahil sa ngayon ay isa sa pinapangarap niya noong bata pa siya ang natupad na, at ito nga ay ang maging isang Doctor.
Sa kanyang sa kanyang social media account, ay masayang ibinahagi ng dating PBB housemates na ang kanyang “Chilhood Dream na to become a Doctor someday”, ay isa ng reality ngayon.
Makikita sa social media account ni Alec, ang naging pagbabahagi niya ng panibagong karera na tatahakin niya ngayon sa kanyang buhay.
“Today, my childhood dream turned into reality. Today, I became a doctor,” saad ng binata isa niyang post kung saan ay kalakip nito ang mga larawan na makikitang isa na nga siyang ganap na doctor.
Si Alec Dungo ay nakapagtapos ng Cum Laude sa Unibersidad ng Santo Tomas, at hindi ito magiging posible kung wala ang mga taong gumabay at sumuporta sa kanya. Kaya naman malaki ang kanyang naging pasasalamat sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyan mga magulana na walang sawang sumoporta sa kanya hanggang sa maabot niya ang kanyang pangarap.
“To my family, I offer this humbling achievement to you. You are my inspiration. Thank you for helping me to become the best version of myself, always.” “I share this accomplishment with my Duṅgo at Chai Family, my relatives, and my friends who have always believe in me”, saad nga ng binata sa kanyang post.
Maging ang kanyang mga naging propesor, ka-eskwela at staff ng Univerity’s Faculty of Medicine and Surgery ng naturang paaralan na kanyang pinagtapusan ng pag-aaral, ay hindi kinalimutang pasalamatan ng binata, dahil ayon sa kanya ay malaki ang naging parte ng mga ito sa kanyang naging journey sa pag-aaral.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento