Mga netizens at masugid na tagahanga ng magkasintahang Julia Barretto at Gerald Anderson, namangha sa bagong look ng kanilang iniidolo.
Batid ng marami sa atin na naging kontrobersyal ang naging pagsisimula ng relasyon nina Julia at Gerald, ngunit habang tumatagal naman ay unti-unti na rin ngang natanggap ng publiko ang kanilang relasyon. Sa katunayan magmula nga ng isapubliko ng dalawa ang relasyon nila, ay marami na ang talaga namang sumubaybay sa kanila.
Kahit naman ang ilan sa mga sumusubaybay sa kanilang relasyon ay nambabatikos lang dahil sa naging paghihiwalay ng aktor na si Gerald sa dating nobya nitong si Bea Alonzo na ang tinuturo ngang dahilan ay si Julia, ay nanatili naman deadma sina Julia at Gerald sa mga ito.
Makikita nga sa magkasintahan na sa kabila ng kontroberysal at mga pamba-bash sa kanila, ay ‘deadma’ lamang nila ang mga ito, dahil mas pinipili nga nilang i-enjoy anuman ang mayroon sila. Isang taon na rin nga ang matuling lumipas magmula ng masangkot sa kontrobersyal ang magkasintahan, at tila ngayon nga ay tuluyan ng naka-move on ang mga netizens sa past lovers nilang dalawa.
Samantala, marami nga sa mga fans ng magkasintahang Julia at Gerald ang ina-admire ang relasyon na mayroon sila, ito nga ay dahil sa hatid nilang sweet vibes, lalo na kapag sila ay magkasama.
Nito lamang nakaraan ay muli namang pinag-usapan online ang celebrity couple. Ito ay dahil marami sa kanilang mga fans at maging sa mga netizens ang namangha sa ipinakita nilang ‘new look’ nila ngayon.
Sa mga bagong larawan nga ng magkasintahan na kumakalat sa social media kamakailan lamang ay masisilayan ang new look nila, kung saan ang new hair style nga ni Julia na brunette na mayroong bangs ay talaga namang bumagay sa kanya at mas lalo pang nagpatingka sa taglay niyang ganda.
Nag-ahit naman ng kanyang facial hair si Gerald kaya naman mas naging fresh lalo ang kanyang look, idagdag pa ang kanyang formal attire.
Dahil sa bagong looks na ito ng magkasintahan, ay marami sa kanilang mga fans ang hindi napigilan na ikumpara sila sa looks nina Christian Grey at Anastasia Steele ng trilogy na “Fifty Shades of Grey”. Ayon pa nga sa ilan, kung magkaroon man ng Pinoy version ang nasabing trilogy, ay pasadong pasado nga umano ang looks ngayon nina Julia at Gerald.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento