Sa kabila ng patuloy pa rin nating nararanasan ang krisis, ay unti-unti na ring bumabalik sa normal ang buhay nating lahat, ito ay matapos nga ang halos dalawang taon din na namuhay tayo ng puno ng mga restriksyon dahil nga sa krisis na lumaganap hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ngayon ay mapapansin nga na unti-unti ng bumubuti ang sitwasyon sa iba’t ibang panig ng mundo, kaya naman pinahihintulutan na din ang paglalakbay at pamamasyal ng mga bata kasama ang kanilang mga magulang. Dahil dito, ang celebrity couple na sina Vic Sotto at Pauleen Luna ay hindi rin pinalampas ang pagkakataon na makapagbakasyon sa ibang bansa kasama ang kanilang anak na si Tali.
Lumipad patungong Singapore noong nakaraang buwan ng Hunyo ang Eat Bulaga host na si Vic Sotto kasama ang misis niyang si Pauleen Luna at ang kanila ngang nag-iisang anak na si Tali. Ang bakasyon nilang ito, ay talaga namang espesyal sa pamilya, dahil ito ang kauna-unahang pagbabakasyon nilang mag-asawa sa ibang bansa na kasama na nila ang kanilang anak magmula nga ng magkaroon ng krisis.
Talaga namang sinulit ng pamilya ang bakasyon nilang ito sa Singapore, at isa nga sa mga hindi nila pinalampas na puntahang lugar sa nasabing bansa ay ang Universal Studios, kung saan ay talaga namang inilaan nina Pauleen at Vic ang kanilang oras upang mailibot nila ang anak nilang si Tali sa theme park nito.
Bakas naman kay Tali ang kanyang kasiyahan sa naging pamamasyal at paglilibot niya sa theme park ng Universal Studios sa Singapore. Ayon pa sa IG post ni Pauleen, isa sa mga binabalik-balikan ng anak niyang si tali ay ang mascot ng kilalang karakter na ‘minions’.
Dagdag pa ni Pauleen, talagang na-amaze si Tali ng makita niya ang mga mascot ng kanyang pabortiong palabas, at mas lalo pa ngang nasiyahan ng makasayaw niya ang mga ito.
Hindi lamang naman si Tali ang nag-enjoy sa Singapore, dahil maging ang kanyang mga magulang na sina Vic at Pauleen ay makikita ring nag-enjoy at game na game ngang sinamahan ang kanilang anak sa mga naging adventures nito sa theme park.
Aminado naman si Pauleen na napagod silang magpamilya sa naging bakasyon nila, dahil sa loob ng limang araw ay sunod-sunod ang kanilang naging pamamasyal. Ngunit sa kabila ng pagod, ay masasabi naman nilang sulit ito dahil sa nag-enjoy silang mag-asawa, at mas lalo na nga ang anak nilang si Tali.
Bilang mga magulang ay doble naman talaga ang kasiyahan nina Pauleen at Vic na makitang ang anak nilang si Tali ay sobrang nag-enjoy at nasiyahan sa kanilang naging masayang bakasyon.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento