Marami na tayong narinig na kwento ng buhay ng mga sikat na personalidad sa anumang larangan o industriya. Ilan sa kanila ay may mga kwento ng buhay na nagmula sa hirap ay narating ang rurok ng tagumpay at kasikatan dahil sa kanilang pagsusumikap at hindi pagsuko na tuparin ang kanilang pangarap.
Ang kanilang kahirapan din sa buhay ang ginawa nilang inspirasyon upang hindi sukuan ang pangarap na nais nilang makamtan.Isa sa mga sikat na singer na maraming pinagdaanan sa buhay bago narating ang kanyang tagumpay at kasikatan ay ang singer na si Angeline Quinto, na hanggang ngayon ay patuloy pa ring namamayagpag ang karera bilang isang singer. Ngunit kahit isang sikat na singer na ay hindi pa rin nakakalimot si Angeline sa kanyang pinagmulan at nananatili pa rin ang kasimplehan niya sa buhay.
Sa kabila nga kasikatan ay muling pinahanga ni Angeline ang kanyang mga tagahanga ng siya ay mag post sa kanyang social media account ng isang video na may caption na ” Overnight Cubo Challenge”.
Sa kanyang post na ito ay sinabi ni Angeline na si Li Ziqi isang chinese vlogger ang naging inspirasyon niya upang gawin ang challenge na ito.Sa kabila nga ng pagiging isang sikat ay hindi naman inatrasan ni Angeline ang Challenge dahil ayon sa kanya ay nais din niyang maranasan ang pamumuhay sa probinsya.
“Since masyado ako nainspire sa #liziqi, ginusto ko maexperience ang buhay sa #probinsya.”Ibinahagi nga ng singer kung ano ang makikita sa loob ng isang kubo, ang tahimik at maaliwalas na kapaligiran nito.
Naexperience din ni Angeline ang sumakay sa motorsiklo upang makapunta sa iba’t ibang lugar. Nagkaroon din siya ng pagkakataon na maranasan mamalengke at magluto sa kawa na kung saan ay kailangan pang mag gatong para makapagluto.
Ilan pa nga sa buhay probinsya na ginawa ng singer ay ang pagkain ng nakakamay lamang na walang anumang kutsara o tinidor, matulog sa papag na walang kutson, maligo na kailangan mo pa magbomba sa poso upang ika’y makapaligo, magpakain ng mga alagang baboy at ang isa sa pinakamasaya sa lahat ay ang kumain sa ilalim ng puno na nasa tabi ng palayan.
Napawow nga naman ang mga netizens dahil hindi nila akalain na kahit sikat na si Angeline Quinto ay hindi pa rin nawawala ang pagiging simple nito at nagawa pa niya ang mga bagay na nararanasan ng isang tao na namumuhay sa probinsya.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento