Hindi maikakaila na sa kabila ng lumaki ang singer-actress na si KC Concepcion na hiwalay ang mga magulang at nagkaroon ng kani-kanilang pamilya, ay naging malapit namang siya sa kanyang mga naging kapatid sa kanyang ama at ina.
Isa nga sa patunay nito ay ang kamakailan lamang na paglipad ni KC patungong bansang Sweden upang dumalo sa kasal ng half-sister niyang si Cloie.Kamakailan nga lamang ay nagtungo ang 37-taong gulang na si KC sa bansang Sweden at siya’y dumalo sa kasal ng 27-taong gulang niyang half-sister na si Cloie. Si Cloie ay ikinasal noong ika-9 ng Hulyo 2022 sa kanyang long-time boyfriend na si Frederick Hill.
Sina KC at Cloie ay mag half-sister sa kanilang amang si Gabby Concepcion. Si KC ay anak ni Gabby sa kanyang ex-wife na si Sharon Cuneta, samantala si Cloie naman ay anak ng aktor sa dati rin niyang asawa na si Jenny Syquia.
Sa kanyan IG post ay nagpa-abot ng kanyang pagbati si KC para kay Cloie.
“In Sweden for my sister’s wedding GRATTIS @cloiesyquia & @hillfredrik from my family to yours”, ani KC sa kanyang IG post.Ang salitang “grattis” na mababasa sa post na ito ni KC ay isang Swedish word na sa ingles ay nangangahulugan na “congratulations.”
Ibinahagi din ni KC ang naging mainit na pagtanggap sa kanya ng ina ni Cloie na si Jenny Syquia at ng pamilya nito sa Sweden. Ayon sa aktres, pakiramdam niya ay talagang bahagi siya ng pamilya dahil sa asikasong-asikaso siya ng pamilya.
“Thank you tita @jennysyquia and Filip for being so so gracious- and to the wonderful Skarnes for being so warm and welcoming me like family. Precious weekend!”, saad pa ni KC sa kanyang IG post.
Si Filip Skarne na nabanggit ni KC sa kanyang IG post ay ang Swedish husband ni Jenny, na ngayon din ay siyang tumatayong ama ng half-sister niyang si Cloie. Makikita din sa IG ni KC ang naging pagbabahagi niya ng larawan na kasama si Jenny.
Si Jenny Syquia ay maaalala na nag trabaho noon sa Pilipinas bilang isang aktres at modelo bago nga ito nagpakasal sa ama ni KC na si Gabby Concepcion noong taong 1993. Na-annul naman ang kasal ng dalawa noong taong 1996.
Matapos ang hiwalayan, ay nagbalik sa bansang Sweden si Jenny kasama ang bata pa noon na kanyang anak na si Cloie. Ayon naman sa ulat, taong 1997 ng ikinasal si Jenny Syquia sa Swedish husband na si Filip Skarne.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento