Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Kilalanin Ang Napakagandang Babaeng Iniharap Ni Gardo Versoza Sa Altar

Kilala bilang isang mahusay na aktor sa industriya ng showbiz si Gardo Versoza. Mula ng mapabilang sa mundo ng showbiz at maging isang aktor, ay ilang mga karakter na ang kanyang ginampanan sa mahigit 40 pelikula at iba’t ibang palabas sa telebisyon na kanyang kinabilangan.




Dahil sa kanyang husay bilang isang artista, hanggang sa kasalukyan ay aktibo pa ring aktor si Gardo Versoza, at patuloy pa ring namamayagpag ang kanyang karera. Maliban naman sa magandang takbo ng kanyang karera, ay makulay rin ang buhay pag-ibig ni Gardo Versoza.

Image Credit via Instagram

Natagpuan nga niya ang labis na kaligayahan sa piling ng babaeng nagpapatibok at bumihag sa kanyang puso, at ito nga ay walang iba kundi si Ivy Vicencio, ang kanyang maganda at mapagmahal na maybahay.

Image Credit via Instagram

Bago pa man mahantong sa pagpapakasal sina Gardo at Ivy, ay 13-taon muna silang naging magkarelasyon. At noon ngang buwan ng Pebrero taong 2019, ay naganap ang naging wedding proposal ni Gardo sa kanyang longtime partner.

Image Credit via Instagram

Ilang buwan nga lamang ang lumipas, ay ikinasal na ang dalawa, at ito ay isang simpleng seremonya lamang na naganap sa El Kabayo Stables sa Floridablanca, Pampangga noong ika-18 ng Mayo 2019.

Image Credit via Instagram

Marami sa mga nakakakilala kay Gardo, ang ikinagulat ang naging pagpapakasal nito, dahil noon pa man tuwing ito’y nakakapanayam ay bukas ito sa pagsasabi ng pagiging alangan niya sa usaping pagpapakasal.

Ngunit tila nga, kapag tunay na pag-ibig na ang natagpuan ay nagbabago ang pananaw ng isang tao, katulad na nga lamang ni Gardo, na marahil ay natagpuan na sa kanyang asawang si Ivy, ang hinahanap hanap niyang tunay na pag-ibig kaya naman ito ay kanyang pinakasalan.

Makikita nga sa mga larawan na kuha sa naging simpleng pag-iisang dibdib ng dalawa. Masasabing simple dahil sa imbis na wedding gown at suit ang suot nila Gardo at Ivy, ay mas pinili nilang isuot ang sport outfit sa araw ng kanilang kasal. Kitang-kita rin sa larawan ang kasimplehan ng kanilang naging altar, kung saan ay dalawang upuan at lamesa lamang ang nakalagay sa stage.




Ang biking group na Cupcake Bikers 143 naman ang ilan sa mga nakasaksi sa masayang yugto ng buhay na ito ng dalawang nagmamahalan. Sa ngayon nga ay mayroon ng bunga ang masayang pag-iibigan nina Gardo at Ivy, at ito nga ay ang kanilang nag-iisang anak na si Deity Uziel na tinatawag nila na kanilang ‘little Machete’.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento