Hindi maitatangging sa panahon ngayon, talamak na ang paggamit nang gadgets, mapa-bata man o matanda. Lalo pa ngayong, online na ang ginagamit na midyum sa pag-aaral ng mga bata.
Naturingan na ring libangan ang panonood sa internet. Pang-aliw sa anak kung naroong may sumpong.
Ngunit, ang labis na paggamit ng ganitong mga aparato ay sinasabing mayroon ding masamang epekto sa kalusugan, lalo na sa mga batang hindi nalilimita sa paggamit ng mga ito.
Mayroon na ring mga pangyayaring katulad nito ang nababalita nito lamang at mga nakaraang taon.
Nito lamang isang netizen na nagngangalang Dachar Nuysticker Chuaydang ang nagbahagi ng mga litrato ng kaniyang anak na naggaling sa surgery nito. Muntik nang mabulag ang bata kung hindi naagapan ang problema nito sa mata, resulta ng labis na pagkababad sa gadgets.
Ayon kay Chuayduang, nagsimulang gumamit ng gadgets ang kaniyang anak noong dalawang taong gulang pa lamang ito.
Pinapagamit niya ang kaniyang iPad at smartphone ng ilang oras. Subalit nagagalit ang bata kapag kinukuha na ang gamit, kung kaya nama’y hinahayaan na lamang nilang gamitin nito ang gadgets hanggang magsawa ito.
Ngunit, habang tumatagal, nagsisimulana itong magkaroon ng problema sa mata. Kung minsan daw ay napapansin nilang tila naduduling na ang bata. Doon na nagkaroon ng tinatawagna “lazy eye” ang bata.
Ito ang kondisyon kung saan ang isang mata ay mayroon nang depekto, sagayon, ang apektadong mata na ito ay higit na umaasa sa maayos mata para sa paningin. Ito ay humahantong sa isang mata, ang apektado, nagiging “lazy eye” at lilipat lamang sa ibang direksyon ng isang mata.
Bagamat mayroon nang ganitong problema sa mata ng anak, patuloy pa ring pinapagamit ng gadgets ni Chuaydang ang anak. Subalit sa paglala nang kondisyon nito, kaniya na itong dinala sa espesyalista.
Sa edad na apat, kinailangang dumanas ng bata ng surgery, upang maayos ang paningin nito.
Mayroong mga pag-aaral tungkol sa masamang epekto nang kalabisan sa paggamit ng mga gadgets. Isa na rito ang kawalang-kakayahan ng batang makitungo sa kapwa. Maari ring ma-delay ang pagpapaunlad sa memorya at kakayahang magplano at mag-focus ng bata, dulot nang kawalang panahong matuto pa ng ibang bagay.
Dahil din hindi aktibo sa paglalaro o paggawa ng iba pang pisikal na gawain, nagiging sobra sa timbang ang bata. Ayon sa doctor, inilabas sa isang pag-aaral na 30% ng mga madalas gumamit ng gadget ang nagiging obese o sobra sa timbang. Kalaunan, maaari itong magdulot ng stroke, high blood, o atake sa puso.
Inirerekomenda naman ng American Academy of Pediatrics na huwag ipaggamit ang gadgets sa mga batang edad dalawa pababa. Maari namang ipagamit ito sa edad 3-5 nang hanggang isang oras kada araw. Hanggang dalawang oras naman kada araw para sa mgaedad 6 hanggang 18.
Inaasahan naman ni Chuaydang na sana’y magsilbing aral ito sa ibang magulang upang hindi danasin ng iba pa ang nangyari sa kaniyang anak.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento